PBBM nanawagan sa mga sundalo manatiling pokus sa trabaho, huwag magpaapekto sa pulitika
- Published on December 2, 2024
- by @peoplesbalita
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na manatiling naka pokus sa kanilang misyon sa kabila ng mga kaguluhan at ingay sa paligid lalo na ang isyu sa pulitika.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos bumisita sa Southern Luzon Command (SOLCOM) sa Camp General Guillermo Nakar sa lalawigan ng Quezon ngayong araw.
Ipinaalala ng Pangulo na ang trabaho ng mga sundalo ay panatilihin ang kapayapaan at protektahan ang sambayanan.
Habang ang misyon ng Pangulo ay pagandahin ang Pilipinas at hindi para makipag-away sa walang kwentang bagay.
Binigyang-diin ng Presidente na iisa ang misyon ng lahat at ito ay ang ipagtanggol ang sambayanan at ang Republika ng Pilipinas.
Siniguro naman ni PBBM sa mga sundalo ang buong suporta ng administrasyon sa AFP, PNP, at lahat ng tagapaglingkod sa ilalim ng SOLCOM.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa bayan kung saan hinimok din silang ipagpatuloy ang kanilang mahusay na trabaho para sa mas ligtas at progresibong Pilipinas.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang pangangailangan ng pagkakaisa.
Ito’y upang tiyakin ang kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng mga mamamayan at teritoryo ng Pilipinas.
Pinuri din ng Pangulo ang natatanging kontribusyon ng mga sundalo, lalo na ang kanilang mabilis at epektibong pagtugon sa anim na magkakasunod na bagyong dumaan sa bansa sa loob lamang ng dalawampu’t tatlong araw.
Ipinunto pa ni Pangulong Marcos na dahil sa mahusay na trabaho ng mga awtoridad, kinikilala ngayon ang Pilipinas bilang eksperto sa disaster response.
Aniya, pagpapakita rin ito na sa kabila ng limitadong resources, kayang magtagumpay ng bansa laban sa hamon ng kalikasan (Daris Jose)
-
VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda
TUNAY na tinututukan ang historical portal fantasy teleserye ng GMA na ‘Maria Clara At Ibarra’ dahil ultimo mga Grade 3 students ng isang paaralan sa Tarlac City ay kinagigiliwan ito. Kung tutuusin ay hindi pa pinag-aaralan ng mga batang ito ang libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, pero dahil sa […]
-
ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19
Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19. Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib […]
-
Petecio sisiguro ng bronze medal
Inaasahang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas. Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena. Makikipagbasagan ng mukha […]