• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako ng 6M housing units sa pagtatapos ng kanyang termino

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “National Pabahay Para sa Pilipino Housing” (4PH)  ng 1 milyon na housing units kada taon o 6 million units sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

 

 

“Layunin po ng programang ito na makapagpatayo ng isang milyong pabahay sa bawat taon ng aking termino bilang Pangulo. Dahil ang kakulangan ng housing para sa ating mga kababayan ay tamang-tama umabot na sa 6 million ang kulang. Kaya’t hinahabol po natin ‘yang 6 million na numero na ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama sina Cebu Governor Gwendolyn Garcia, Cebu City Mayor Michael Rama, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Speaker Martin Romualdez ang  groundbreaking ceremony ng  Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa  South Road Properties (SRP) sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.

 

 

Ang housing project sa SRP at iba pang  4PH housings ay dinisenyo  para sa minimum wage earners, informal settlers, sa mga nakatira sa  danger zones, at iba pang miyembro ng  poor communities na naghahangad ng  mura,  simple, at komportableng bahay.

 

 

Tiniyak din ng Pangulo na ang gobyerno ay mag-aalok ng  “affordable monthly payments” para sa mga nasabing  housing units.

 

 

“Sisiguruhin natin na mananatiling abot-kaya ang buwanang hulog at bayad para sa mga bahay na ito kaya patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang maging matagumpay ang programang ito.,” aniya pa rin, siniguro sa publiko na ang housing units na itatayo ay de-kalidad at kayang tumayo kapag may kalamidad.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Pangulo na ang proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng pasilidad gaya ng eskuwelahan, pamilihan, health centers, at ilang  economic structures sa komunidad.

 

 

“Therefore, it cannot be just a house. We need all the needs as I mentioned: markets, schools, even churches, also for children to play, not far from the work of the parents, this is all necessary to think about,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Inaasahan na sasagot ang kampo ng aktres: OGIE, naghain ng counter affidavit sa cyber libel case na isinampa ni BEA

    NITONG Martes, June 18 ay naghain na si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo, kasama ng dalawa niyang co-host.   Sa isang press statement, ipinahayag ng abogado ng online host na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na […]

  • Naitatalang daily COVID 19 cases sa NCR, malaki ang posibilidad na umabot na sa 400 hanggang 500 sa katapusan ng buwan – OCTA Research

    TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang  500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30.     Sa Laging Handa public  briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw.     Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang […]

  • ‘Gringo’, intended para sa ‘50th MMFF’: ROBIN, wish na tanggapin ni SHARON ang offer na maging asawa sa biopic

    NOONG Miyerkules, Hunyo 26, 2024, pormal nang in-announce ng Borracho Films na tuloy na ang gagawin nilang biopic ni dating Senador Gringo Honasan, na kung saan ang gaganap ay si Senator Robin Padilla.         Ang title ng film ay Gringo: The Greg Honasan Story, at ang tagline nito ay “An Ordinary Man […]