PBBM, nanguna sa PFP General Assembly, National Convention
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtitipon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang General Assembly and National Convention sa Diamond Hotel Manila, araw ng Lunes, bahagi ito ng pag-buwelo at paghahanda ng political party para sa mid-term election sa susunod na taon.
“I’m very glad that we can see that there is progress that is happening as we move on in preparation for … well, filing (of candidacy) is our next big event. And, we have now within the PFP organized ourselves properly,” ayon kay Pangulong Marcos sa nasabing event.
“Although we (PFP) are the lead party, kasama tayo sa Alyansa at nakasama ang iba’t ibang partido. Lahat ng malalaking partido sa Pilipinas ay kasama ngayon natin. Kaya’t we have to do all of this in conjunction with them,” ang Winika pa rin ng Pangulo.
Nasaksihan naman ng Pangulo sa mga nakalipas na buwan ang ‘alliance signing ceremonies’ sa pagitan ng PFP at iba pang national political parties, patunay ng mga ibinahaging pangako na magtulungan tungo sa ‘national transformation’ para makamit ang progreso at itaas ang kondisyon ng pamumuhay ng mga Filipino.
Nabuo noong 2018, ang PFP ay isang national political party sa Pilipinas, si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng Partido. Pormal itong akreditado ng Commission on Elections (COMELEC) noong Oktubre 2018. Itinutulak naman ng Partido ang pederalismo sa bansa.
Sa panahon ng tumatakbo ang 2022 national election, binuo ng PFP ang UniTeam Alliance, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Partido ng Masang Pilipino (PMP), na mayroong ‘guest candidates’ mula sa ibang partido.
Matatandaang nanalo si Marcos sa landslide sa general election. (Daris Jose)
-
Holistic anti-illegal drugs program ng gobyerno na BIDA, inilunsad
OPISYAL nang inilunsad ng gobyerno ang anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Inilarawan ito bilang “pinaigting at mas holistic campaign.” “The BIDA program will involve local government units, national government agencies, and other key sectors of society aside from drug enforcement agencies including the […]
-
Caballero tagapagsalita sa Natl’l Sports Summit
PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9. Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at […]
-
Nag-iingat ang mga paborito sa mga upsets habang nagsisimula ang Villamor Match Play Invitational
UKIT ng CALIFORNIA Precision Sports-Antipolo City ang 25-19, 25-18, 25-21 panalo laban sa University of the East-Manila para makuha ang women’s gold medal sa Philippine Volleyball Federation (PNVF) Champions League noong Linggo sa Philsports Arena. Si Casiey Dongallo, na nasa Cebu pa nang manalo ang CAL Babies sa kanilang pool opener laban sa Lady […]