• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development.

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga foreign dignitaries kung bakit ang mga Filipino ay magaling bilang hosts.

 

 

Ang tugon ng Pangulo, “Filipinos’ genuine warmth is innately embedded in the social fabric of being a Filipino, making it one of the tourism brands the country can be proud of.”

 

 

“Ang Filipino hospitality ay katangian na noon pa man ng bawat Pilipino. Isabuhay pa natin ito, lalo pang paghusayan, ito ang mahahalagang sangkap sa ating biyahe tungo sa Bagong Pilipinas,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Sa five-minute vlog ng Pangulo, pinag-usapan kung paano ang Filipino hospitality ay palaging “on full display” kapag ang isang lider ay bumibisita sa bansa.

 

 

Gaya ng ibang bansa ayon sa Pangulo, ipinapakita ang kanilang “best foot forward” sa kanyang pagbisita, sa Pilipinas naman aniya ay ibinigay ang lahat para i-entertain ang mga bisita.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan na bigyan ang mga bisita ng kaginhawaan sa lugar Kung saan sila pansamantalang mananatili sa Pilipinas upang tiyakin na magagawa ng mga ito “on time” para sa kanilang scheduled meetings.

 

 

“Imbes na – pa sila sa malayo, mata-traffic, at mahihirapan sa schedule ng mga meeting, dito na lang sila sa palasyo. Nagkataon na may mga napabayaang lumang bahay sa compound ng Malacañang at may nakita kaming isa na puwede pang i-renovate, ‘yun ang aming ginawa,” aniya pa rin.

 

 

Ang mga establisimyentong ito ay ang Goldenberg at Laperal mansions.

 

 

Winika ng Pangulo na ang proyekto ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Office of the President, Social Secretary at Office of the First Lady.

 

 

Ang lahat ng ito ayon sa Pangulo ay na nakaka-proud kapag ang foreign leaders ay tinatanong siya kung ano ang dahilan kung bakit “unique” ang Pilipinas at ang mga mamamayan, ang naging sagot ng Pangulo ay dapat na malaman ng mga world leaders na mahalaga ang mga ito sa mga Filipino para bigyang-daan ang malakas at malalim na ugnayan.

 

 

“It is important that our guests feel very welcome here. In order to make our collaboration stronger, our agreements, our partnerships in different countries,”aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Jordan Peele Reinvents the Sci-Fi Horror Genre in ‘Nope’

    FILMMAKER Jordan Peele, also known for Get Out and Us that disrupted and redefined the horror genre, reinvents the sci-fi horror genre this time in his latest film Nope.   Shot with large-format and IMAX cameras, Peele, along with the film’s director of photography Hoyte Van Hoytema (whose work includes Christopher Nolan’s Dunkirk and Tenet) […]

  • JASMINE, muling makatatambal si ALDEN sa ‘The World Between Us’

    KAPUSO actress Jasmine Curtis-Smith is thankful na despite sa umiiral na pandemya dahil sa Covid-19, na nasa second year na ngayon, ay tuloy pa ring dumarating ang mga offers sa kanya, movies and television man.      May bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni […]

  • Tennis star Nadal binatikos ang Wimbledon dahil sa pagbabawal na makapaglaro ang mga Russian at Ukraine

    BINATIKOS ni Spanish tennis star Rafael Nadal ang panuntunan ng Wimbledon ng pagbabawal sa mga manlalaro ng Russia at Belarius.     Ayon sa 21-time major winner na isang hindi makatarungan ang naging desisyon ng Wimbledon.     Naniniwala ito na ang lahat ng mga England Club ay makagawa ng paraan para maresolba ang nasabing […]