PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito
- Published on January 23, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng armory nito.
Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin.
Sa isinagawang dayalogo kasama si World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin ang defense budget gaya ng ginagawa ng Japan.
Itinaas kasi ng Japan ang defense spending nito ng 2% sa kanilang gross domestic product (GDP) sa loob ng limang taon.
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos na “I think to an extent but not – because the belief is that first of all, there is no point in the Philippines building up its armory.”
Ang paliwanag pa nito, wala naman sa “economic situation” ang Pilipinas para magtayo ng armory nito.
“More importantly, perhaps is our abiding belief that the solutions are not going to be military,” ayon sa Pangulo.
Ani Pangulong Marcos, “resorting to militaristic solutions will “end badly for everyone involved and even those who are not involved.”
Tinukoy nito ang Russia-Ukraine war, labis na nakaapekto sa ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
“I think all of us were quite surprised, especially us in the Philippines, to think that a war in Eastern Europe would affect agriculture in the Philippines and I guess it just goes to show how well connected that is,” ani Pangulong Marcos.
“If a similar situation would arise in the region, then I would say it would be disastrous for the rest of the world as well, not only for the region but for the rest of the world,” wika pa ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19
HINIMOK ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate. Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark […]
-
QC Government itinanghal na Most Competitive LGU
TUMANGGAP ng limang parangal ang Quezon City, kabilang ang Overall Most Competitve Local Government Unit sa ilaim ng Highly Urbanized Category. Ang nasabing parangal ay iginawad ng Creative Cities and Municipalities Congress 2024 sa ilalim ng Department of Trade and Industry. Nakopo ng QC LGU ang matataas na pwesto sa mga kategoryang Overall […]
-
PDu30, nanawagan ng kapayapaan sa mga lider na nasa conflict-hit- areas
NANAWAGAN ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea. Tinukoy ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic. “I therefore call on the stakeholders in the South China Sea, the Korean Peninsula, […]