PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC
- Published on November 18, 2022
- by @peoplesbalita
ILANG araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand.
Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at maunlad na rehiyon ng Asia-Pacific.
Sinabi ng Pangulo na layunin niyang i-unlock ang economic potential, i-digitalize ang partisipasyon ng bansa sa digital economy, at sustainable development, gayundin ang pagtugon sa climate change crisis, at iba pa.
“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting [ay] ang ating mga pangarap,” ani Marcos.
Inaasahang makikipagkita ang Pangulo at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos kay King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.
Makikipagpulong din si Marcos sa mga pinuno ng negosyanteng Thai sa sideline ng APEC upang imbitahan sila na mamuhunan sa bansa at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Thailand.
Sinabi rin ni Marcos na ang APEC ay nananatiling isa sa mga pangunahing “platforms” ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa mga ekonomiya sa rehiyon ng Asia-Pacific.
Bago ang biyahe sa Thailand, dumalo si Marcos sa ASEAN Summits at Related Summits sa Cambodia mula Nobyembe 10 hanggang 13.
Makikipag-ugnayan ang Pangulo sa iba pang mga lider kung paano haharapin ang food and energy security at ang economic inclusion ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ng bansa. (Daris Jose)
-
Why this Residential Oasis in Laguna is Gaining Attention from Real Estate Buyers
Remember way back when there was an abundance of green spaces in rural and even urban residential areas? Relaxation and play were part of everyday life, and residents experienced better physical health and overall satisfaction with life. Greenfield Development Corporation understands this deep yearning for an inspired life within a better urban […]
-
Malakanyang, kinumpirma ang rekomendasyon ng VEP sa FDA na gamitin ang Sinovac sa mga senior citizens
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizens o mga indibidwal na may 60 taong gulang pataas. Masusing tinalakay ng VEP ang usaping ito sa gitna ng kasalukuyang vaccine supply sa bansa. “We hope that […]
-
Comprehensive Sexuality Education, napakahalaga -PBBM
TANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na tugunan ang teenage pregnancy sa gitna ng pag-uusap ukol sa implementasyon ng Comprehensive Sexuality Education (CSE). Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tumataas ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa. “Well, as long as – ‘yun na nga, because you […]