PBBM, nilagdaan ang IRR ng Agrarian Emancipation Act
- Published on September 14, 2023
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang implementing rules and regulations (IRR) ng Agrarian Emancipation Act.
Layon nito na tanggalin ang pasanin sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkakahalaga ng P57.57-B.
Malinaw na mabubura na ang lahat ng mga hindi nabayaran na amortization ng principal loan kasama na ang interest at multang kailangang bayaran ng nasa 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Para sa Chief Executive, marapat lamang na bigyan ng pansin ang hinaing ng mga magsasaka lalo na’t malaki ang kanilang ambag sa bansa.
Gagawin naman ng Pangulo ang lahat ng kanyang makakaya para tugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka.
Magagawa lamang ani Pangulong Marcos ang bagay na ito kung papayagan ang gobyerno na gampanan ang responsibilidad nito na sa kalaunan ay makatutulong sa sektor na tupdin ang kanilang papel sa publiko at ekonomiya.
At matapos mabuo ang IRR, tiwala ang Pangulo na mas magkakaroon ng ngipin ang batas at mapapabilis nito ang tulong sa mga benepisaryo.
Sinasabing papalo sa P57.56 bilyon ang pinagsama-samang unpaid amortizations mula sa principal debt ng mga nabanggit na siyang nagpapayabong sa 1.17 milyong ektaryang lupain sa bansa.
Matatandaang, buwan ng Hulyo nang lagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11953 o New Agrarian Emancipation Act.
Sa naging talumpati ng Pangulo, pinuri nito ang mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries sa pagtiyak na mananatiling accessible ang agricultural commodities sa mga Filipino.
“It is only fitting that we recognize as pillars of this crucial sector whose impact creates positive ripples of transformation within our communities that reverberates not only for us in the present but across future generations,” aniya pa rin.
“I call on everyone to support and take part in the implementation of this landmark legislation,” ayon sa Pangulo sabay sabing “The need for a whole of nation approach is vital to achieve its goals and secure food production in the future.”
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring available na kopya ng IRR sa website ng Philippine Gazette.
Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, sinabi nito na pinalawig niya ang Executive Order No. 4 ng dalawa pang taon para tulungan ang mga benepisaryo na hindi sakop ng IRR at maging ng moratorium sa orihinal na EO.
Ang ekstensyon ay hanggang Setyembre 13, 2025.
Ang paliwanag ng EO 4, ang Pangulo, “provides for the moratorium of the principal obligation and interest on amortization payable by the ARB, to include even those who are not covered by the new emancipation law.”
Ang IRR ng EO 4 ay bubuuin sa loob ng 15 araw ng effectivity nito. (Daris Jose)
-
Sa Asian Academy Creative Awards: KATHRYN at KOKOY, pambato ng ‘Pinas sa Best Actress at Best Actor
INIHAYAG na ang National Winners ng ating bansa, na lalaban sa annual Asian Academy Creative Awards. Magaganap ang awarding sa December 3 and 4, part ito ng Singapore Media Festival. Nire-recognise ng AACA ang excellence in the film and television industry across 16 nations in the Asia-Pacific region. This year ang pambato […]
-
Saso 2 palo lang iwan sa opener
TUMIKADA si Yuka Saso ng Pilipinas ng six-under par 68 para mapag-iwanan lang ng dalawang palo sa pagsisimula kamakalawa, Huwebes ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan. Magara ang umpisa ng 19 na taong gulang na Haponese-Pinay […]
-
Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT
MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages. Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa IP address ng destination servers na […]