• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan ang PH Salt Industry Development Act

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong palakasin at muling pasiglahin ang industriya ng as in sa Pilipinas.
Sa 23 pahina ng naturang batas na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 11, nakasaad dito na ang tamang teknolohiya at pagsasaliksik at sapat na pinansiyal, produksyon, marketing at iba pang support services ay ibibigay sa salt farmers para pasiglahin ang salt industry, matamo ang mataas na produksyon at makamit ang salt-sufficiency at maging susunod na exporter ng asin.
Minamandato rin ng RA 11985 ang pagtatatag ng five-year roadmap na naglalayon na palakasin at gawing modernisado ang industriya ng asin, na nakahanay sa nilalayon at patuloy na implementasyon ng RA 8172, o An Act for Salt Iodization Nationwide.
Bubuo naman ng Salt Council upang masiguro ang pinag-isa at pinagsama-samang implementasyon ng salt roadmap at pabilisin ang modernisasyon at industriyalisasyon ng Philippine salt industry.
Tatayong chairman ng Council ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Samantala, ang mga kinatawan mula sa kooperatiba ay pipiliin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa limang nominado mula sa Luzon at tatlo mula sa Visayas at Mindanao.
Ang Philippine Salt Industry Development Act ay itinala bilang  “priority measure” ng Pangulo sa pamamagitan ng Legislative Executive Development Advisory Council.
Magiging epektibo ito 15 araw matapos ang kompletong publikasyon sa Official Gazette, o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)
Other News
  • P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’

    Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette.      Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na […]

  • ANDRE, longtime dream ang makapasok sa PBA tulad ng ama na si BENJIE

    DAHIL opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million for two years sa pinirmahan niyang kontrata.     Mahahati nga raw ang panahon ni Andre between sports at sa showbiz. Kasalukuyang host si Andre ng GTV game show na Game of the […]

  • Pinoy karateka James De Los Santos, grand winner uli sa online karate tourney

    Muli na namang nangibabaw sa buong mundo ang Filipino karateka champion na si Orencio James De Los Santos.   Ito’t mayapos itinanghal si De Los Santos bilang grand winner sa E-Karate Games 2020 kung saan tinalo nito si Wasmuel Wado ng Belgium.   Sa panayam kay Delos Santos, sinabi nito na ito na ang kanyang […]