• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan na ang ‘TRABAHO PARA SA BAYAN ACT’

TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas, araw ng Miyerkules ang “Trabaho Para sa Bayan Act.”
Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.”
Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness”  ng mga manggagawang Filipino  para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders.
Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay bubuo ng masterplan para sa “employment generation at recovery” sa Pilipinas.
Tatayong co-chair ng TPB-IAC ang mga Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at  Department of Labor and Employment (DOLE) na may kinatawan mula sa ibang ahensiya at iba’t ibang sektor.
Magsasagawa rin ito ng comprehensive analysis ng employment status at labor market sa bansa at titiyakin ang epektibong paggamit ng resources at pinagsama-samang pagsisikap ng pamahalaan.
Tutulungan din ng konseho  ang  local government units sa  “planning, devising, at implementing employment generation and recovery plans and programs” sa kani-kanilang lokalidad, tiyakin na naka- aligned sa Trabaho Para sa Bayan Plan.
Para kay  Secretary Balisacan, ang paglagda sa sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ay isang “welcome development” dahil makapag-aambag ito sa  Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyong Marcos.
“We support the Trabaho Para sa Bayan Act as it contributes to the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims to increase employability, expand access to employment opportunities, and achieve shared labor market governance,”ayon kay Balisacan.
“With the passage of the TPB, this will facilitate stronger coordination and partnership among relevant agencies and stakeholders for the efficient implementation of employment programs,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
Other News
  • Nasa Amerika pa rin para sa ‘Iconic’ concert tour: Talk show nina SHARON at REGINE, inaabangan kung tutugunan ng ABS-CBN

    ROSE Van Ginkel was only 13 nang magsimula siya ng kanyang showbiz career.     At that time, ang tingin niya sa sarili ay pangit siya. She was beginning to doubt herself kung nasa tamang career ba siya.     Tinatanong na nga ni Rose ang kanyang sarili kung may kulang ba sa kanya kasi […]

  • Ads August 4, 2022

  • Ads July 10, 2021