PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
WELCOME kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw ng Huwebes.
“Well, if it’s private sector-led, then the data gathering function will actually be almost automatic because it’s the private sector that will say ‘These are the things we need’,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang mga business leaders.
Nauna rito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa PSAC-JSG para ihanda at itakda ang sistema sa kung paano palalakasin ang kolaborasyon para mabawasan ang “jobs at skills mismatch problem” sa mga prayoridad na sektor.
Ang paglikha ng PSJSC ay inendorso ng mga dumalong miyembro ng gabinete.
Ang mga ito ay sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Secretary Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority (NEDA), at Trade Secretary Alfredo Pascual.
Samantala, natuklasan sa ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na 40% ng employed Filipino ay mayroong academic credentials na lampas sa kinakailangan sa kanilang trabaho.
Layon ng panukalang programa ay ” to upgrade the skills of the Filipino workforce required by industry standards to accelerate the creation of more jobs in the country’s priority sectors. It is intended to support and align industry demands with the government’s education and skills training programs to further strengthen the labor force’s skills development efforts.” (Daris Jose)
-
Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan
NAGSANIB-puwersa ang mga coast guards ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia upang protektahan ang seguridad at labanan ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng rehiyon. Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, […]
-
Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’
BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino. Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz […]
-
PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw. Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]