• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon

PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon.

 

 

“Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into preparing for La Niña,” ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.

 

 

Ipinahayag ito ni Solidum matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Marcos at iba pang ahensiya ng gobyerno, kung saan tinalakay ang mga hakbang ng pamahalaan at pagsisikap na tugunan ang epekto ng El Niño at La Niña phenomena.

 

 

Sinabi pa niya na patuloy na humihina ang El Niño sa tropical Pacific subalit nagpapatuloy naman eng epekto nito kung saan ang transisyon nito ay nagiging neutral pagdating ng Abril hanggang Hunyo ngayong taon habang tumataas naman ang posibilidad ng La Niña ng 62% sa Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Solidum na ayon sa kasaysayan, ang pre-developing La Niña ay inilalarawan bilang “below normal rainfall” nangangahulugan na ang posibilidad ng bahagyang pagkaantala sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan ay malamang at ang epekto nito ay sasama sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon.

 

 

“Hence, if we look at the impacts of the ongoing El Niño starting October, we have seen some provinces to have dry spell but up to March, we have seen the increasing number of provinces affected by dry spell and drought,” ayon kay Solidum.

 

 

Sa kabilang dako, nakapagtala aniya ang DOST ng 37 lalawigan na patuloy na nakararanas ng matinding tag-tuyot “meteorological drought,” 17 ang nakararanas ng ‘dry spell’, at 13 naman ang ‘dry conditions.’

 

 

Sinabi pa rin nito na ang rainfall forecast ay nagpapakita na sa darating na Abril ngayong taon, marami pa ring mga lugar ang maaapektuhan ng “way below normal rainfall” o mahigit sa 60% at below normal din “and rains will come by March, but there will still be other areas that will still have less rainfall.”

 

 

“So, the forecast for the ongoing effects of El Niño would continue for April – we have 48 provinces to be affected by drought; 24 dry spell; but by May it will be 54 provinces to be affected by drought and 10 dry spell,” ang pahayag ni Solidum.

 

 

“So, almost the same if you combine both the drought and dry spell but the drought-affected provinces will continue to persist based on DOST-PAGASA’s outlook – 25 by June, 23 by July and 10 by August,” dagdag na wika ni Solidum.

 

 

Samantala, habang may mga lalawigan sa bansa na maaapektuhan ng pinagsamang epekto ng El Niño at La Niña phenomena, tinuran ni Solidum na ipagpapatuloy ng gobyerno ang ginagawa nitong El Niño operations, subalit isinasaisip ang paghahanda para sa La Niña phenomenon. (Daris Jose)

Other News
  • 85% NI MALAPITAN ANGAT PA RIN SA SURVEY NG SWS, TRILLANES KULELAT SA 10% NA GRADO

    Patuloy ang pamamayagpag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa survey kontra sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Caloocan na si dating Senador Antonio Trillanes. Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations, 85% ng mga Batang Kankaloo na tinanong kung sino ang kanilang iboboto kung ngayon gaganapin ang halalan […]

  • 2 kelot arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]

  • Presyo ng mga prime commodities at basic goods, pasok pa rin sa SRP – DTI

    NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok pa rin sa May 11 suggested retail price (SRP) ang presyo ng prime commodities at basic goods na ibinibenta sa mga supermarkets at grocery stores.     Kung kaya’t hinihikayat ng DTI ang mga consumers na bumili sa mga supermarkets kung saan regulated ng ahensiya […]