• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy

LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong  Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa  World Economic Forum (WEF).
Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya.
“The World Economic Forum is hosting a Country Strategy Dialogue for us where we are given the opportunity to promote the Philippines as leader and driver of growth and a gateway to the Asia-Pacific region
– one that is open for business – ever ready to complement regional and global expansion plans of both foreign and Philippine-based enterprises anchored on the competent and well-educated Filipino workers, the managers, and professionals,” ayon sa Pangulo sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base.
Maghahanap din aniya siya ng magiging katuwang na susuporta sa “ambitious plan” ng administrasyon  para magtayo ng mas maraming imprastraktura at tiyakin ang “food at energy security” sa panahon ng WEF sa Davos.
“I will draw attention to our efforts at building resilient infrastructure that bolsters our effort to reinforce robust and resilient  supply chains, ensures food security, including critical interlinkages with the health and nutrition, while furthering climate-friendly, clean and green energy to power the Philippine economy,” wika pa ng Punong Ehekutibo.
“Moreover, I will share our experience as a model for managing – with our global partners – the disruptive and transformative impact of COVID” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na intensyon niya na ibahagi ang pagsisikap ng administrasyon na sagipin ang buhay at pangkabuhayan dahil sa pandemya.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos sa kanyang inaugural participation  sa WEF sa Davos, binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na  “collectively bolster and reinforce the post-pandemic economic recovery efforts by addressing today’s major challenges such as rising food prices as a result of conflict in other parts of the world and the continuing existential threat posed by climate change.”
Looking forward naman ang Pangulo na makapulong ang iba’t ibang gobyerno at  business leaders sa WEF at palakasin ang partnerships sa mga ito.
Gagamitin din aniya niya ang oportunidad na upang magkaroon ng pagpapalitan ng pananaw sa mga usapin, sa ibang government leaders, policymakers, business executives at entrepreneurs, at maging sa civil society advocates at academic experts.
Inimbitahan si Pangulong Marcos ni Prof. Klaus Schwab, founder at Chair Emeritus ng WEF sa sidelines ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa Phnom Penh at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings sa Bangkok,  noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang  annual meeting ngayong taon ng  WEF  ay first in-person gathering forum simula  2020 at bago pa pinatigil ng  COVID-19 pandemic ang buong mundo.
“Cooperation in a Fragmented World” ang tema ng WEF ngayong taon.  (Daris Jose)
Other News
  • Taiwan, isiniwalat ang plano nito para makatulong na gawing modernisado ang PH rice production

    ISINIWALAT ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang plano nito na simulan ang modern technology para sa rice farming sa Pilipinas, katuwang ang Department of Agriculture (DA).   Sa isang press conference, sinabi ni TECO Representative Wallace Minn-Gan Chow na layon ng proyekto na ipakita ang suporta ng Taiwan sa ‘food security at affordability […]

  • WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo

    Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021.     Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo.     Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect […]

  • Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.     Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]