• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na binisita ang mga lugar na binaha at lubog pa rin sa baha sa Malabon, Navotas at Valenzuela

KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may pangangailangan na muling suriin ang disenyo para sa flood control facilities sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ng Pangulo na marami kasing flood control projects sa National Capital Region (NCR) ang hindi epektibo para pigilan ang pagbaha, maging ang volume o dami ng ulan na mas mababa kaysa sa bagyong Ondoy noong 2009.
Personal kasing binisita ni Pangulong Marcos ang mga binahang lugar sa Valenzuela at Navotas upang i- check ang situwasyon ng mga residenteng apektado ng kamakailan lamang na masamang panahon.
Ang Pangulo, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan ay sakay ng military truck, araw ng Huwebes para bisitahin ang evacuation centers sa Malanday National High School at Brgy. Tanza sa Navotas.
“Just a simple assessment ng ano, the reason I did this was to really inspect because I wanted to see what the situation was. And I was right, it’s very different, listening, reading the piece of paper than actually seeing it, what people had to go through,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“So we have to relook, we have to reexamine some of the designs of our flood control. Dahil for example, this was not… The amount of water was as not as bad as Ondoy, but the effect was greater than Ondoy. Mas malaki ang baha. Mas marami ang nabaha na lugar kaysa panahon ng Ondoy. Mas marami tayong flood control ngayon kesa noon,” aniya pa rin.
“This is what the effects of climate change are. Now, what we have na, what we have seen is that one of the most important parts na nagka problema was that navigation gate that we went to na nasira because binangga ng isang barko, basta hindi sumunod sa instructions, sinira nya. That’s why Navotas is still 80 percent under water, Malabon the same, Valenzuela also. So we have to really look into that sort of thing, yung pumping station marami na.”ang litaniya ng Pangulo.
Nagpunta rin ang Pangulo sa command center ng Valenzuela City LGU, kung saan kinausap niya ang mga opisyal ukol sa pagtugon sa ‘gaps’ sa LGU’s warning system kapag ang dam gates ay binubuksan, upang matiyak na ang mga residente ay nabibigyan ng sapat na panahon para lumikas.
“May weakness tayo dun, dun sa communication, kapag magbubukas ng dam, pag aapaw, kailangan yung downstream communities alam nila. You give them as much as, sasabihin, tatlong oras, pwede na siguro yun. Apat na oras,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal.
Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang mga lokal na awtoridad na kaagad na kumpunihin ang nasirang navigational gate sa Barangay Tanza na nakitang nagpalala sa flooding situation sa naturang lugar.
“That’s why Navotas is still 80 percent under water, Malabon the same, Valenzuela also. So we have to really look into that sort of thing, yung pumping station marami na. Yun nagka problema na.
Sana matuto na yung tao, huwag naman kayong nagtatapon ng basura dahil yung basura ang nagbara dun sa mga pump natin, kaya hindi kasing effective na pwede. Like yung Navotas you have 81, in Valenzuela I think they have 32. So marami na yung pumping station, pero talaga you have to put it somewhere,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga lokal na opisyal na maghanap ng posibleng short-term solutions sa pagbaha habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
“Okay. And then I want to see what the damage is so that is there something that we can do — buhusan natin ng sandbag or something. I don’t know. Pero, we have to get an engineer to look at it and to tell us what we can do so that hindi tuloy-tuloy ang pasok ng tubig. Mataas pa rin ang tubig,” ang sinabi ng Pangulo kay Public Works Secretary Manuel Bonoan.
“Patingnan mo nang mabuti para maayos natin. Kahit pangremedyo lang temporary. Saka natin balikan pag medyo bumaba na ‘yung tubig and let’s see what really we can do para ayusin ‘yung damage na nangyari,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Marcos na ipa-prayoridad ang relief packages para sa mga apektadong lugar sa Kalakhang Maynila at iba pang rehiyon.
“Now, when I get back to the office, I will be putting together — now that I know what the situation is, where the areas are that need the most, we’ll be putting together already the [relief] packages for the LGUs, here in NCR, not only NCR, in Region 3, in Calabarzon, NCR,” aniya pa rin.

“Marami nang tumawag sa akin kaninang umaga pa. So, we will put that all together so that we can go to DBM and tell them to release this already para magamit na ng ating mga local officials,” ang winika ng Pangulo.

(Daris Jose)
Other News
  • Mas mahigpit na immigration policies, posibleng maapektuhan ang 300k Filipino nationals na nasa US

    TINATAYA ni Ambassador Romualdez na nasa 300,000 Filipino nationals, na karamihan na pumasok sa U.S. ng legal subalit nag-overstay lagpas sa kanilang visas ay posibleng maapektuhan ng mas mahigpit na immigration policies. Pinaalalahanan din nito ang mga kababayang Pinoy na piniling manatili sa US na kumuha o pumili ng abogado o counsel mula sa legitimate […]

  • Pagbati bumuhos sa pagkapanalo ni Matsuyama na unang Japanese na nagwagi sa Masters

    Pinangunahan mismo ni Tiger Woods ang pagbati sa Japanese golf player na si Hideki Matsuyama matapos magwaig ito sa The Masters sa Augusta, Georgia.     Tinalo kasi ni Matsuyama si Will Zalatoris ng US at siya ang unang Japanese na nakakuha ng nasabing titulo. Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binati ni Woods ang […]

  • Muling nakunan at maghihintay kung kailan magkaka-baby: ALEX, suportado ni MIKEE at masaya na silang dalawa lang

    NAKUNAN palang muli si Alex Gonzaga nitong October.     Inilahad ni Alex ang kanyang malungkot na karanasan sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga.     Nag-try sina Alex at mister niyang konsehal sa Batangas na si Mikee Morada na makabuo muli ng anak via IVF o in-vitro fertilization.     Ayon sa […]