PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka
- Published on June 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.
Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, bawat isa, kina Davao del Norte Acting Governor De Carlo Uy, Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga, at Davao Oriental Gov. Niño Sotero Uy Jr.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Tagum City, tiniyak ng Chief Executive sa mga magsasaka at mangingisda na determinado ang administrasyon na ipagpatuloy ang nasimulan nito.
Siniguro ng Pangulo sa mga ito na makikinabang sila sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.
“Tunay nga pong malaki na ang pinagbago ng Tagum mula noong huli kong pagbisita dito noong panahon ng kampanya. Naging memorable po sa akin ang Unity Caravan na iyon sapagka’t napakainit po ang binigay ninyong salubong para sa akin,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Kasing-init at kasing-sigasig ng ating kasalukuyang administrasyon sa pagsisikap na ipagpatuloy ang nasimulan at tiyaking makikinabang ang mga mamamayan sa ating mga programa at proyekto,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Base aniya sa pinakahuling datos na kanilang nakita na mahigit isang libong pamilya sa labing anim na barangay sa Davao Region ang lubhang naapektuhan ng El Niño at ang tagtuyot na dala ng El Nino.
” Limampung milyong pisong halaga ng pagkalugi ang naranasan ng ating mga magsasaka at mangingisda,” aniya pa rin.
“Kaya po ay hindi po namin kayo pababayaan. Kayo po ang sandigan ng ating bayan sa pag-unlad kung kaya’t hindi kami titigil sa pag-agapay sa inyong lahat,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Samantala, kabilang sa mga ipinamahaging tulong ay ang P10 million financial aid; mga makinarya kabilang dito ang units ng “rice combine harvesters, floating tillers, walk behind transplanters, at 4-wheel tractors; at bigas mula kay Speaker Martin Romualdez.
Binisita ni Pangulong Marcos ang rehiyon ng Davao para pangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng El Niño at muling pagtibayin ang commitment ng national government , makipag-tulungan sa LGUs bilang paghahanda sa nagbabadya namang La Niña phenomenon. (Daris Jose)
-
Higit sa 200 million streams in a single day: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa inilabas na double album
THANKFUL si Sparkle Teenstar Sofia Pablo sa mga naki-celebrate sa kanyang 18th birthday last April 20 sa Raffles Hotel in Makati City. Masaya si Sofia dahil na-accomplish niya ang mapasaya niya lahat ng mga dumating sa kanyang tropical-themed debut party na may hashtag na #SofiasTropicalJourneyTo18. Nag-enjoy ang mga bisita sa kakaibang cotillion ni Sofia dahil […]
-
Marcial sasamahan ang Philippine boxing team
Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon. Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas. Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial […]
-
Pagtaas ng presyo ng bigas nakaamba sa Hulyo – DA
NAKAAMBA umano ang pagtaas ng presyo ng lokal at imported na bigas sa mga suunod na buwan. Ayon sa Department of Agriculture (DA), dulot ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, krudo at iba pang pangangailangan sa produksyon ng bigas. Nabatid na mula sa dating P17 hanggang P19 na […]