• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na nakiramay sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo

PERSONAL na nakiramay si  Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

“I just came here here para makiramay sa family ni governor. Nagtatanong lang kami kung ano ba yung kailangang gawin para matulungan yung mga biktima pati yung mga nasa ospital ngayon,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Nandyan yung ibang mga kamag-anak, asawa ng mga namatay kaya’t nakausap din natin at sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsya na naging masyadong magulo,” dagdag na wika nito.

 

 

Nangako naman ang Pangulo na bibigyan ng scholarships ang mga anak ng mga kasama ni Degamo na napatay din sa insidente at babalikatin ang medical fees  ng mga sugatan.

 

 

Sa ulat,  sa isang FB live ay kinumpirma mismo ni Pamplona Mayor Janice Degamo, misis ni Gov. Degamo na binawian na ng buhay ang kaniyang mister at limang iba pa  kabilang ang mga staff ng gobernador  matapos pagbabarilin sa kanyang bahay habang namimigay ng ayuda o 4Ps sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado ng umaga, Marso 4.

 

 

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na tatlo ang getaway vehicles na ginamit ng mga suspect na kinabibilangan ng Mitsubishi Pajero (NQZ 735), Izuzu pickup (GRY 162) at Mitsubishi Montero (YAP 163) na inabandona sa Brgy. Kansumalig, Bayawan City, Negros Oriental. Nasa 10 armadong suspect ang nakitang tumakas sa lugar kabilang ang mga lookout.

 

 

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman ang biyuda n Degamo na si widow Pamplona Mayor Janice Degamo sa effort ng Pangulo na bumista sa lamay ng kanyang asawa.

 

 

“Na-touch din po talaga kami. Alam ko yung pagiging President hindi madali, lahat ng kaharap niya sa araw na ito kami nakaharap niya ngayon,” ang sinabi ni Janice sa mga mamamahayag.

 

 

“We have requests. Mahirap ibigay yung justice dahil may proseso doon. That is just one of the many works President does so appreciate talaga namin,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa niya na nakakalap na sila ng matibay na ebidensiya hinggil sa di umano’y mastermind.

 

 

Samantala, kasama naman ng Pangulo Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa pagbisita sa lamay ni Degamo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 4, 2024

  • 2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan

    PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan  umaga ng January 25, Miyerkoles.     Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos.     Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang […]

  • TOM CRUISE, kabilang sa nag-self-isolate dahil sa crew members na nag-positive sa COVID-19; production ng ‘Mission: Impossible 7’ muling na-shut down

    MULING na-shut down ang production ng Mission: Impossible 7 dahil kabilang ang aktor na si Tom Cruise sa nag-self-isolate dahil may ilang crew members ng production na nag-positive sa COVID-19.     Ayon sa Paramount Pictures spokesperson: “We have temporarily halted production on ‘Mission: Impossible 7’ until June 14, due to positive coronavirus test results […]