• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR

PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City.

 

 

Dumating si Pangulong Marcos  sa lamay  ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, 2022.

 

 

Hulyo 31 naman  nang mapaulat   na namayapa na ang dating Pangulong Ramos sa edad na 94.

 

 

Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos  habang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ng PTV sa pamamagitan ng social media na namaalam na nga ika-12 presidente ng Pilipinas pati na rin ng ilang government officials na nakiramay sa mga naulila ni Ramos.

 

 

Nagsilbing Pangulo ng bansa si FVR mula 1992 hanggang 1998. Pero bago naging politiko at public servant nagsilbi muna siya bilang sundalo hanggang sa hiranging deputy chief staff ng Armed Forces noong 1981.

 

 

Nagtapos din ang dating pangulo sa U.S. Military Academy sa West Point, N.Y., at sa University of Illinois sa Amerika. Kasunod nito pumasok din siya sa Philippine Army, at nagsilbi bilang sundalo sa Korea at Vietnam.

 

 

Noong 1972 in-appoint siya ni President Ferdinand Marcos Sr. bilang hepe ng Philippine Constabulary at noong nagkaroon ng martial law, isa si Ramos sa mga nagpatupad nito.

 

 

Bago siya hirangin bilang pangulo ng Pilipinas, nagsilbi muna siya bilang miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Cory Aquino.

 

 

Una bilang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Secretary of National Defense mula 1986 hanggang 1991.

 

 

Kung matatandaan, nakumpleto pa ni FVR ang kanyang first at second dose ng anti-COVID-19 vaccine noong nakaraang taon sa Del La Salle Santiago Zobel campus sa Muntinlupa City.

 

 

Samantala, kabilang naman sa mga nagpunta sa lamay ni FVR sina  Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez, Energy Secretary Rafael Lotilla, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Speaker Martin Romualdez, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Senator Francis Tolentino, Senator Ramon Revilla Jr. at may-bahay na si  Cavite Rep. Lani Mercado, dating Senate President Vicente Sotto III, at dating Vice President Leni Robredo. (Daris Jose)

Other News
  • Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3

    NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Ba­rangay Ginebra para aga­win ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Go­ver­nors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang ti­napos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]

  • Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill

    Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.   Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas […]