• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act

PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen.

 

 

Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala.

 

 

Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 o Grantin Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians.

 

 

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layon ng nasabing batas na iparamdam sa mga senior citizens ang suporta ng gobyerno sa kanilang sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal habang sila ay nabubuhay sa edad na 80 anyos, 85, 90 at 95-anyos.

 

 

Nasa P10,000 ang cash assistance na matatanggap ng mga seniors batay sa mga nabanggit na edad.

 

 

Ganap na ring batas ang Tatak Pinoy Act o ang RA 11981 na layong magpapalakas sa industrialization ng bansa.

 

 

Sinabi ng Pang. Marcos sa ilalim ng nasabing batas, higit pa sa branding exercises ang itataguyod kundi ang pagpapalakas sa pamumuhunan sa mga produktong Filipino na talagang maipagmalaki na gawang Pinoy o trademark ng Pilipinas.

 

 

Samantala, hindi natuloy ang paglagda sa isa pang panukala ang Magna carta para sa Seafarers Act.

 

 

Ayon kay Sec Garafil patuloy pa na nirerebyu ng Pangulo ang nasabing panukala. (Daris Jose)

Other News
  • Djokovic nangangambang hindi makapaglaro sa French Open matapos na maghigpit ang France

    NANGANGAMBANG posibleng hindi rin makapaglaro si Novak Djokovic sa French Open sa buwan ng Mayo dahil sa ipapatupad na paghihigpit para hindi na kumalat ang COVID-19.     Nagpasa kasi ang France ng vaccine pass law na aprubado ng parliyamento kung saan dapat ang mga tao ay magpakita ng certificate of vaccination kapag magtutungo sa […]

  • HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION

    Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts.     Importante rin ang […]

  • Marcos, namumuhay ng simple, duda sa ill-gotten wealth- PDu30

    WALANG pera at namumuhay lamang ng simple si presidential candidate at dating Senator Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI, araw ng Biyernes.     Matatandaang, tinawag ng Pangulo si Marcos na “a weak leader” at “a spoiled […]