PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators
- Published on October 5, 2023
- by @peoplesbalita
UPANG ipakita ang kanyang malakas na “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga rice smugglers na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na naghain na ng smuggling charges ang gobyerno laban sa San Pedro Warehouse and Blue Sakura AgriGrains Corporation, FS. Ostia Rice Mill at Gold Rush Rice Mill.
Ang mga rice smugglers ayon sa Pangulo ay sinampahan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law, at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (Republic Act No. 10845).
“Kaya po ay ngayon ay kinasuhan na natin ang San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, ang F.S. Ostia Rice Mill, [at] ang Gold Rush Rice Mill ay kasalukuyang haharap sa patong-patong na mga kaso dahil sa kanilang mga ginagawa,” ayon sa Pangulo.
“Bagong Pilipinas na po tayo ngayon, at atin pong susugpuin ang mga hindi po lumalaban nang patas. Wala pong puwang sa lipunan ang mga nanlalamang at nang-aapi sa kapwa,” aniya pa rin.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City University Gymnasium, General Santos Avenue, Lower Bicutan sa Taguig City kung saan tiniyak niya sa mga mamamayang filipino na desidido ang gobyerno sa hakbang nito na tiyakin ang food security sa bansa.
Sa kabilang dako, ang ipinamahaging bigas sa mga residente ng Taguig ay bahagi ng smuggled rice na nasabat sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na nais niyang magpaabot ng “strong warning” laban sa mga rice smugglers na ang administrasyon ay hindi lamang uupo at walang gagawin para tuldukan ang kanilang ilegal na gawain na labis na nakasasakit hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa mga mamamayang Filipino.
“Una, upang mamahagi ng bigas para sa ating mga benepisyaryo. Pangalawa, upang bigyang-diin ang ating pagsisikap sa pagsulong ng seguridad ng pagkain sa bansa. At ang panghuli ay upang iparating sa inyo na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo sa smuggling, sa hoarding, at iba pang ilegal na gawaing nakaaapekto sa supply at presyo ng bilihin sa merkado,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Binabalaan ko ang mga sumasabotahe sa ating ekonomiya: Kayong mga smuggler, kayong mga hoarder, at sindikato, tigilan na ninyo ang mga masama ninyong gawain,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang rice smugglers ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10845 at Republic Act No. 7581 (Price Act). (Daris Jose)
-
PDU30 ipinagmalaki na natupad na niya ang pangako sa PNP at AFP
IPINAGMAMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang pangako nito sa mga kasundaluhan at kapulisan gaya ng pag-doble ng kanilang sahod. Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na mula ng pagkaupo niya ay tiniyak niya na aayusin ang kalagayan ng mga sundalo at kapulisan. […]
-
5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk
TUMAAS sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]
-
Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog
NAGLABAS ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1. Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory […]