PBBM, pinarangalan ang 13 Outstanding Overseas Filipino, mga grupo
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 13 honorees ng 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO), araw ng Miyerkules, sa pagbibigay karangalan sa bansa at mga Filipino sa ibang bansa.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, binigyang diin nito ang accomplishments o mga nagawa ng mga PAFIOO awardees sa iba’t ibang larangan.
Ang kanilang marangal na gawain ay nagpasigla sa kalidad ng buhay sa kani-kanilang komunidad.
Winika pa ng Pangulo na ang Lingkod sa Kapwa Pilipino, Pamana ng Pilipino, and Banaag awardees ay nakipagsapalaran sa ibang bansa, hinarap ang mga hamon at matagumpay na naipakita ang galing sa linya ng kanilang trabaho.
“Your stories continue to inspire us to make a difference and to rise above whatever adversity we face. Salamat po sa [ipinamalas] ninyong kabayanihan at kakayahan na nagbigay karangalan sa ating bansa, sa ating mga kababayan at sa Republika ng Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga “Kaanib ng Bayan” awardees – natural-born foreign individuals o organisasyon na naipakita ang kahalintulad na antas ng pagsuporta, pasyon at pangangalaga para sa overseas Filipino communities.
“Thank you for showing compassion to Filipinos, especially in their times of need. Maraming, maraming salamat po,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, nanawagan naman ang Pangulo sa Filipino communities na tularan ang mga awardees at patuloy na mag-ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng ‘local at global societies.’
Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, tiniyak nito na ginagawa lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para ipatupad ang reporma at pangangalagaan ang economic development para lumikha ng domestic opportunities para sa mga manggagawang Filipino.
Sa kabilang dako, binati naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng makabuluhang pagdiriwang ng Overseas Filipino Month at Maligayang Pasko.
Ang PAFIOO ay isang biennial award system na kumikilala sa mga ‘outstanding overseas Filipinos’ at maging sa foreign individuals at organizations, para sa kanilang natatanging achievements at mahalagang kontribusyon.
Kabilang sa kanilang kontribusyon ay pagsusulong sa kapakanan ng mga overseas Filipinos, pagsuporta sa national development efforts, o itaas ang international profile ng mga Filipino diaspora.
Sinasabing mula 1991 hanggang 2022, may kabuuang 540 indibiduwal at organisasyon mula sa 53 bansa at teritoryo ang kinilala at pinarangalan. (Daris Jose)
-
Ads March 1, 2023
-
Ads January 30, 2024
-
Ads September 18, 2023