PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine.
“The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who otherwise couldn’t be reached,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
Isa ang Malaysia sa Southeast Asian countries na nag-deploy ng kanilang air assets para makapagbigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.
Ang iba pang bansa ay ang Indonesia, Singapore, at Brunei.
“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN have responded with support in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“This kind of solidarity is what strengthens our region,” aniya pa rin.
Base naman sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mayroong mahigit sa dalawang milyong pamilya ang apektado ng bagyong Kristine at kamakailan na Bagyong Leon sa 17 rehiyon at 82 lalawigan. (Daris Jose)
-
Nakitang suot na ang engagement ring: BEA, balitang nakipagbalikan na kay DOMINIC
NAGKAROON nga kaya ng balikan at muli nang isinuot ni Bea Alonzo once ang engagement ring nila ni Dominic Roque? Iyan ang tanong ng netizens nang mapansin ang suot na singsing ni Bea sa mga larawan na naka-post sa Instagram. Ang post ay isang video slideshow na makikita ang mga larawan […]
-
P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM
KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022. Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain […]
-
PNP CHIEF GAMBOA, 7 PA SAKAY NG BUMAGSAK NA CHOPPER SA LAGUNA
AYON sa dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP), stable na ang kondisyon ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa matapos mag-crash ang sinasakyang chopper sa Laguna, bandang alas otso ng umaga, kahapon Marso 5. “Nasa mabuti siyang lagay, maganda po ang kanyang lagay,” saad ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General […]