• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinasinayaan ang P1B Pier 88, nangako ng mabilis na biyahe sa Visayas

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang grand launching ng Pier 88 sa munisipalidad sa lalawigan ng Visayas, nag-alok nang mas mabilis na  transport alternative para sa mga mananakay at cargo sa Cebu.

 

 

“It’s encouraging to see that a massive undertaking such as this, where the local government takes the lead and collaborates with the private sector and other local governments, in the pursuit of objectives consonant with the national development agenda,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

“With the many benefits to the public interest, these projects showcase kindred examples of good urban planning. Let us imagine if these kinds of projects are replicated across the country, laterally and locally coordinated, and harmonized both on the provincial and national levels—then we could say that we are genuinely closer to our ambition of a prosperous, inclusive, and resilient society,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ang Pier 88 ay isang  mahigit na P1 billion public-private partnership project sa pagitan ng munisipalidad ng  Liloan at mga  pribadong kompanya na Pier 88 Ventures Inc., Topline Group of Companies, Viking Land, at FL Port Management Corp.

 

 

“As a smart port, it will integrate digital technology into its operations by using QR codes and a radio frequency identification-ready (RFID) system to be integrated with a mobile application, providing passengers with seamless and convenient traveling,” ayon sa ulat.

 

 

Matatagpuan sa Barangay Poblacion, inaasahan na ang Pier 88 ay magsisilbi sa mga byahero na papunta at paalis ng  Cebu mainland via bayan ng Liloan town tungo sa  Metro Cebu,  Camotes group of islands, at Bohol at Leyte provinces.

 

 

“The close-to-three-hectare smart port will help decongest traffic in Metro Cebu, particularly Consolacion and Mandaue City, by providing an alternative mode of transport from Liloan to Mactan and Cebu City and vice versa,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Ang paglulunsad sa  Port 88 ay nataon naman sa 178 taong anibersaryo ng  Liloan, at muling paglulunsad ng Rosquillos Festival na ipinangalan sa  native delicacy kung saan nakikila ang nasabing bayan ng ilang dekada na. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

    UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]

  • Nationwide fare discount sa PUVs, simula na sa Abril

    IPATUTUPAD  na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public uti­lity vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide.     “Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamaraming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng […]

  • Paliwanag ng South Korea ibinasura ng FIBA

    IBINASURA ng International Basketball Federation (FIBA) ang apela ng South Korea sa pagliban nito sa FIBA World Cup Qualifiers noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum.     Ayon sa isang ulat na lumabas sa South Korea, isinumite ng Korea Basketball Association (KBA) ang lahat ng dokumento upang ipaliwanag ang kanilang naging sitwasyon.     Kasama […]