PBBM, PINURI ANG MGA KASAMA SA MATAGUMPAY NA PAG-ARESTO KAY DATING CONG. TEVES SA TIMOR-LESTE
- Published on March 26, 2024
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at international partners sa matagumpay na pag-aresto kay dating congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang aksyon para ibalik si Teves sa Pilipinas upang harapin nito ang mga kaso na isinampa laban sa kanya.
“I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, ipinaabot naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabilang sa nasabing operasyon para sa hindi matatawaran at matibay na dedikasyon para panindigan ang kapayapaan at kaayusan.
Sa ulat, kumpirma ng Department of Justice (DOJ) na dinakip ng mga awtoridad ng Timor-Leste si Teves habang naglalaro ng golf.
Si Teves ang itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo.
Sa naging pahayag ng DoJ, naka-post sa Facebook page ng Presidential Communication Office, sinabing dinakip si Teves sa Dili East Timor dakong 4:00 pm nitong Huwebes habang naglalaro ng golf.
“Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation. It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” pahayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Nakikipag-ugnayan na umano ang mga awtoridad ng Pilipinas sa mga awtoridad ng East Timor para maibalik sa bansa si Teves.
“Face your long-delayed trial without setting any conditions, face the courts squarely,” sabi ni Remulla sa dating kongresista.
Marso 2023 nang salakayin ng mga armadong lalaki ang tahanan ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental, at pinagbabarilin ang mga tao na nandoon pati na ang gobernador.
Nasawi si Degamo at siyam na iba, habang marami pa ang nasugatan.
May kinakaharap ding kaso si Teves sa hiwalay na pagpatay sa tatlong tao sa Negros Oriental noong 2019.
Nang mangyari ang masaker, nasa labas ng bansa si Teves at hindi na umuwi ng bansa. Hanggang sa matukoy na nasa East Timor siya at humihiling ng asylum.
Noong Agosto 2023, idineklara si Teves na terorista ng Anti-Terrorism Council, kasama ang 11 iba pa.
Pinatalsik din siya ng liderato ng Kamara de Representantes bilang kongresista dahil sa hindi na niya nagagampanan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas.
Dati nang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon laban sa kaniya. Iginiit din niya na may banta umano sa kaniyang buhay. (Daris Jose)
-
Marvel Reveals New ‘Black Widow’ Poster, Will Release In Theaters & Disney+ Streaming This July
DISNEY announced that once again the studio is pushing the theatrical release of Marvel’s Black Widow from May 7 to July 9, and also streaming on Disney+ with Premier Access on the same day. Marvel Studios has also released a new poster for the film due to the newest playdate. Black Widow was originally […]
-
Dive into the Overworld for an epic live-action adventure, “A Minecraft Movie” starring Jason Momoa and Jack Black
Don’t miss “A Minecraft Movie,” starring Jason Momoa and Jack Black, hitting cinemas April 2025! Get ready, gamers and movie lovers! The highly anticipated “A Minecraft Movie” is set to hit theaters on April 2, 2025. Featuring an all-star cast, including Jason Momoa, Jack Black, and Jennifer Coolidge, this live-action adaptation of the […]
-
Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’
SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines. Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye. Ang matagumpay na […]