PBBM sa Agrarian Reform beneficiaries sa Coron: Land is now yours
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 2,000 agrarian reform beneficiaries kabilang na ang mga agriculture graduate at rebel returnee ang nakatanggap ng titulo ng lupa mula kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Coron, Palawan.
Sa isang maliit na seremonya sa lumang gymnasium ng naturang bayan, namahagi si Pangulong Marcos ng certificate of land ownership awards (CLOAs) at e-titles sa 1,217 benepisaryo.
Sakop ng nabanggit na titulo ang mahigit sa 3,000 ektarya ng lupa sa loob ng Busuanga Pasture Reserve.
Sa nasabi pa ring event, tinurn over naman ni Pangulong Marcos ang tatlong farm-to-market road na kompletong proyekto na iniuugnay sa agricultural areas sa tatlong bayan sa Palawan.
Ang Pangulo sa pamamagitan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, pinalampas at kinalimutan na ang lahat ng outstanding amortization para sa lahat ng agrarian land kabilang na ang nasa distribution program.
“Hindi na kayo dapat mag-alala, sa inyo na ang lupa,” aniya pa rin.
Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na ipaprayoridad ang agriculture graduates sa land distribution.
Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama ang kahalagahan na isama ang mga ‘future farmer’ sa programa.
“Ang pagbibigay ng titulo ng sakahan sa mga graduate ng agriculture-related courses ay paghikayat sa mga kabataan sa pagpasok sa pagsasaka para sa ating food sufficiency,” ang sinabi ni Villarama.
Aniya pa, ang land distribution ay isa ring paraan para isama ang mga dating rebelde sa food production.
“Alam naman natin na ang mga namundok ang dahilan nila kung bakit sila namundok kasi wala silang sariling lupang sakahan. Paghikayat ito sa iba pa na bumalik na sila dahil may mga lupang sakahan para sa kanila,” ang sinabi ni Villarama.
Matatandaang, mula nang umupo si Pangulong Marcos, mayroong 1.38 milyong ektarya ng agricultural land ang nakahanda ng ipamigay.
Sa katunayan, namahagi na ang Pangulo ng 140,000 ektarya simula pa noong 2022. (Daris Jose)
-
Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia
IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms. Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]
-
Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte
PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7). Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park. “The project revealed that the proposed floor area […]
-
DepEd, ipatutupad ang alternatibong learning modes sa panahon ng tigil-pasada–VP Duterte
SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, araw ng LInggo, Marso 5 na dapat na panatilihin ang alternatibong learning modes, kapuwa “in person” at online at ipatupad sa panahon ng nagbabadyang transport strike ngayong linggo na makapipinsala sa “learning recovery” agenda ng Department of Education’s (DepEd). Tinawagan naman ng pansin ni Duterte ang […]