PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products.
Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo ang anti-smuggling measures ng gobyerno kung saan hangad nito na paigtingin ng BoC at BIR ang nasabing hakbang.
“Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that,” the President said. “There will be [more efforts] with the Bureau of Customs and BIR so that we can improve performance with that regard,” dagdag na wika nito.
Bilang tugon, sinabi naman ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na tiniyak sa kanya ng Department of Trade and Industry Consumer Protection Group na magtatalaga ito ng makabuluhang bilang ng mga tao para imonitor ang vape industry.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa Pangulo na pinaigting na ng kanyang ahensiya ang pagsugpo laban sa smuggled vape products.
Sa katunayan nga aniya ay patuloy nitong ipinatutupad ang tax stamp system para madetermina kung alin ang illicit o ipinagbabawal.
Sa kabilang dako, nagsagawa naman ng ilang rekumendasyon at policy requirements ang PSAC-As para masiguro ang proteksyon ng tobacco industry.
Itinulak naman ng advisory body ang isang hakbang na nag-aatas sa Department of Budget and Management (DBM) na magpalabas ng pondo na itinakda sa R.A. 4155 para sa National Tobacco Authority (NTA) Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).
Hangad din ng body na maamiyendahan ang Anti-Agri Smuggling Act of 2016 para maisama ang tobacco products. Nais din ng body na magkaroon ng probisyon sa minimum retail price (MRP) at penalty para sa ipamamahagi at pagbebenta ng smuggled products.
Nanawagan din ang body sa Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng deadline para sa registration ng mga importers at manufacturers ng vapor products at ang BIR na simula na ang pagpapatupad ng tax requirements sa tobacco at vapor products.
“There must also be sustained enforcement of laws against smugglers and retailers of smuggled tobacco and vapor products,” ayon sa body.
“Operations involving these products should also be reported to the Office of the President on a monthly basis,” dagdag na wika nito.
Samantala, nakapagbigay naman na ng hanapbuhay ang Philippine tobacco industry sa 2.2 milyong Filipino.
Ang Tobacco excised tax ay ang 4% ng kabuuang government revenues, o P135 billion noong 2023.
Naglaan naman ang pamahalaan ng 50% ng excise tax collection para sa Universal Health Care sa ilalim ng Department of Health (DOH) at PhilHealth at maging sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP). (Daris Jose)
Other News
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]
-
Raymart, nag-post sa IG stories ng kanyang pagbati: JODI, waging Best Actress at kinabog ang mga kalaban sa ‘Asian Academy Awards’
ANG Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-iisang nakapag-uwi ng tropeo para sa Pilipinas sa Asian Academy Awards 2022 na ginanap sa Singapore noong December 8. Si Jodi nga ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role at kinabog niya ang mga kalaban na mahuhusy na aktres mula India, Singapore, […]
-
Ads May 27, 2022