• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa ERC: Pag-aralan ang electricity bill moratorium para sa mga Kristine-hit areas

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pag-aralan mabuti ang posibleng implementasyon ng ‘temporary relief’ sa electricity bill payments sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.

 

Ipinag-utos ni Pangulong President sa ERC na pag-aralan ang pagpapataw ng moratorium sa electricity line disconnections at payment collections mula October hanggang December 2024. Ang inisyatiba ng ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga biktima.

 

“To aid in recovery efforts, the President directed the ERC to study the immediate implementation of a moratorium on electricity line disconnection and payment collection for the period October to December 2024 in areas under State of Calamity due to STS Kristine, and staggered payments of electricity for the said months, as necessary,” ang nakasaad sa kalatas.

 

Noong nakaraang linggo, may dalang malakas na pag-ulan at malakas na ihip ng hangin ang bagyong Kristine sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lumubog ang ilang lugar sa tubig-baha.

 

Sa mga apektadong rehiyon, ang Bicol Region ang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa bagyong Kristine. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Friends’, nai-record uli after four decades: JACKIE LOU, labis-labis ang pasasalamat kay SHARON sa kanilang duet

    PAGKARAAN ng apat na dekada, muling nai-record ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang ’80s hit na “Friends,” na kung saan kasama ang matalik na kaibigan na si Jackie Lou Blanco.     Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi nga niya ang ilan sa mga lines ng song, na isinulat ni George Canseco para sa kanilang 1983 […]

  • Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

    Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.     Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.     Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]

  • Puring-puri rin ang producer ng ‘Mallari’: JC, walang masabi sa kakaibang experience working with PIOLO

    KASAMA si JC Santos sa bigating cast ng horror film entry ng Mentorque Productions na Mallari sa 49th Metro Manila Film Festival.     At inamin nga ng mahusay na aktor na isa sa dahilan si Piolo Pascual na bida ng pelikula, kaya niya tinanggap ang mapanghamon na role. Kaya sa tingin namin, siguradong lalaban […]