• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa mga ahensiya ng gobyerno: Maghanda para sa paparating na cyclone

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa tropical cyclone na inaasahan na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.

 

“We’ll just have to keep monitoring the situation and make sure, always, the rescue and relief don’t stop. It doesn’t matter [if] there’s another storm coming, we cannot stop. That cannot stop,” ayon kay Pangulong Marcos sa situational briefing.

 

Nagbigay ng kautusan ang Pangulo sa kabila ng patuloy na pakikipagbuno ng bansa sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine

 

“And then, the support that we are giving, that DSWD (Department of Social Welfare and Development) is giving [to] those who have been displaced, who are still in the evacuation centers, there are [those] staying outside of their homes, with their relatives, their friends, that also cannot stop,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng PAGASA na ang cyclone ay maaaring pumasok sa bansa, Martes ng umaga at lumabas sa northern boundary ng PAR, araw ng Miyerkules.

 

Samantala, nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 46 na tao na nasawi sa hagupit ng bagyong “Kristine” (international name: Trami).

 

Habang tinatahak na ng bagyo ang karagatan, patuloy ang pagkilos ng mga rescue worker para matulungan ang mga taong na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa mataas na baha.

 

Nagkaroon din ng kakulangan sa rubber boats pero mayroon na umanong mga paparating.

 

Batay sa datos mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bicol Region na 28, sumunod ang Calabarzon na may 15.

 

May tig-isang naitalang nasawi sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

 

Mayroon ding 20 nawawala, at pito ang sugatan.

 

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga naging biktima ng bagyo.

 

Iniutos naman ni Pangulong Marcos ang full mobilization ng military assets para sa relief operations upang mahatiran ng tulong ang mga biktima.

 

Tinatayang 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas bawat taon. Pero sa mga bagong pag-aaral, napapansin na ang mga bagyo na tumatama sa Asia-Pacific region ay nabubuo malapit na sa mga dalampasigan, at mabilis na lumalakas, at nagtatagal sa kalupaan.

 

Pinaniniwalaan na may kaugnayan dito ang climate change. (Daris Jose)

Other News
  • Sa upcoming serye na ‘Pulang Araw’ BARBIE, excited na sa pagganap bilang Filipina Vaudeville performer

    PROUD husband at daddy si Kuya Kim Atienza dahil sa achievement na natanggap ng kanyang wife at anak.     Sa Instagram post ng Dapat Alam Mo! host, na-share niya na nakapagtapos ang kanyang wife na si Felicia ng master’s degree in Nutrition Science, samantalang ang anak niyang lalaki na si Jose ay nakapagtapos sa Tufts University […]

  • Explore the magical world of Wicked in Jon M. Chu’s cinematic adaptation, arriving in PH cinemas

    THE magic of Oz is coming to life! Universal Pictures unveils an exciting behind-the-scenes look at Wicked, the cinematic adaptation of the beloved stage musical, giving fans a peek into the journey of bringing this spellbinding story to the big screen. Set to premiere in Philippine cinemas on November 20, Wicked promises a breathtaking, immersive […]

  • Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3

    IPINAGPALIBAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mu­ling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan.     Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang.     […]