PBBM, sa mga ahensiya ng pamahalaan: Nananatiling ‘on track’ sa pagtatapos ng transpo projects
- Published on October 29, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. sa mga kaugnay na ahensiya ng gobyerno na manatiling ‘on track” sa pagtatapos ng transportation projects ng pamahalaan.
Ang panawagan ng Pangulo ay matapos niyang personal na saksihan ang paglagda sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) project concession agreement.
“To the officials and employees of the Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), the Public-Private Partnership Center, and all concerned agencies, I urge you to remain on track in completing and implementing transportation projects,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
Welcome naman kay Pangulong Marcos ang mas marami pang players at investors na aniya’y ”equally dedicated to helping us deliver quality services to the Filipino people.”
Binanggit naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang ilang plano ng departamento maliban sa airport projects. Partikular na binanggit ng Pangulo ang inaasahang pagsisimula ng LRT-1 extension.
‘Tinitingnan namin na magkaroon ng additional service dito sa Line-1 for additional five more stations. And we are looking at the middle of November for the start of operations noong Line-1 extension,”ang sinabi ni Bautista.
Sinabi pa ng Kalihim na hangad niya na magkakaroon ng award ang International Container Terminal, at posibleng inagurasyon o groundbreaking sa Taguig International Exchange Terminal.
Ang Laguindingan International Airport ay nagsisilbi bilang ‘access point sa Northern Mindanao. Binuksan noong 2013, kinokonsidera rin ito bilang Mindanao’s second busiest airport, kayang mag-cater ng 1.6 million pasahero taun-taon.
Inaasahan din na ang proyekto ay magpapalawig ng kapasidad ng airport sa 3.9 million kada taon sa unang phase at 6.3 milyong pasahero sa pagtatapos ng second phase.
Sinabi ni Pangulong Marcos, na ang public-private partnership ay magpo-provide ng isang oportunidad.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang isang public-private partnership nagbibigay ng oportunidad para palawigin ang pasilidad, i- upgrade ang terminal, itaas ang kapasidad, at paghahatid ng serbisyo sa isang malinis at mas episyente at mas convenient na paraan.
Sinabi pa ni Pangulo na ipinapakita ng administrasyon ang ‘unwavering commitment’ para mag-invest sa development ng Northern Mindanao. (Daris Jose)
-
Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na nagtapos na ang emergency phase ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso […]
-
Ads January 6, 2023
-
Pangako ng gobyerno, maging “more responsive” sa pangangailangan ng mga Filipino- OPS
MAGIGING “more responsive” na ang gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Filipino Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maliban sa pagpapalaganap ng impormasyon sa polisiya, programa, aktibidades at achievements, iimbitahan din ng OPS ang publiko na magbigay ng feedback bilang bahagi ng pagsisikap na makapanghikayat ng citizen engagement. “Hindi lang […]