• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa mga botante, pumili ng kandidato na patuloy na magtatrabaho para sa Pinas

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga botante na pumili ng kandidato na ipagpapatuloy ang trabaho at serbisyo para sa bansa.

“Magkaisa po tayo at mamili po tayo ng alam natin na tuloy-tuloy magtratrabaho,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa campaign rally ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang mga kandidato na kanyang sinusuportahan sa nalalapit na halalan ay batid at may kaalaman sa trabaho sa gobyerno.

Ito aniya ang mahalaga sa public service.

“Alam na po nila, makita mo – pagka titingnan niyo po, maliwanag na maliwanag alam na po nila ang pala – ang trabaho sa gobyerno. Alam na alam nila ‘yan. Wala ng – ito ‘yung mga klaseng tao, mga klaseng nasa serbisyo publiko na hindi basta’t… Kung minsan hindi na lang nagsasalita at basta’t ginagawa na lang ang trabaho. ‘Yan po ang mahalaga,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Nanawagan din ang Chief Executive sa mga botante na huwag makinig sa mga kandidato na walang ginawa kundi ang dumada.

“Huwag tayong – nakikinig ng mga puro dada nang dada. Dapat ang hinahalal natin ay puro gawa,” diing pahayag ng Pangulo.

Aniya, ang kanyang mga kandidato ay pupunta ng Senado para makatrabaho ang ibang mga mambabatas at itulak ang mga batas na mapakikinabangan ng publiko.

 

 

“Pupunta sila sa Senado hindi upang manggulo, hindi upang magtalunan doon sa kanilang kapwa senador, kung kani-kanino pa,” pagtiyak ng Pangulo.

“Sila ay nandiyan sa Senado upang magkaisa at ipagbuo ang magagandang batas na kinakailangan ng taumbayan. ‘Yan po ang istilo ng ating mga kandidato,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, ayon sa Commission on Elections, ang Bulacan ay kinokonsidera bilang vote-rich province na may 2,173,026 registered voters.

 

 

Present naman sa nasabing campaign rally sina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., former Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis Tolentino, mga dating Senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao, at House Deputy Speaker Camille Villar.

 

 

Hindi naman nakadalo sa Bulacan sortie sina Senator Imee Marcos at ACT-CIS Representative Erwin Tulfo. (Daris Jose)

Other News
  • Fernando, isinusulong ang positibong pagka-makabayan, nangakong protektahan ang dangal ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ikintil ang positibong pagka-makabayan at itaguyod ang dignidad ng mga Bulakenyo, ito ang nais ni Gobernador Daniel R. Fernando at nangako itong poprotektahan ang dangal ng lalawigan laban sa mga sumusubok na bahiran ang kadakilaan nito. Kamakailan, ipinatawag ni Fernando ang mga may-ari ng isang public utility vehicle na jeep, matapos […]

  • Pagpapatuloy ng face-to-face classes sa 39 Metro Manila schools ‘generally smooth’- DepEd

    SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR).     “Overall assessment was smooth and learners are excited to go back to schools,” ayon kay DepEd Human Resource and Organizational Development Officer-in-Charge (OIC) Wilfredo Cabral.   […]

  • UN, inanunsyo ang P607-M para sa typhoon relief sa Pinas

    MAGLALAAN ang United Nations (UN) ng USD10.5 million o P607 million sa bagong relief support sa rehiyon na labis na tinamaan ng kamakailan lamang na tropical cyclones sa Pilipinas.     Inanunsyo ng UN Philippines ang bagong pagpopondo, araw ng Biyernes, kasabay ng pagbabago sa Humanitarian Needs and Priority Plan (HNP), target na ipunin ang […]