• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa mga manggagawang pinoy: ‘KAYO ANG PUSO AT KALULUWA NG ATING LAKAS-PAGGAWA; KAYO ANG MUKHA NG BAGONG PILIPINAS’

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawang filipino habang pinangunahan ang ika-122 Labor Day Commemoration at ika-50 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Labor Code of the Philippines (LCP).
Sa naging talumpati ng Pangulo sa nasabing pagdiriwang sa Palasyo ng Malakanyang, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa mga Filipinong manggagawa sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa kanilang dedikasyon at matibay na suporta para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay, nagdala ng mahalagang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.
“Sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, muli ako’y nagpapasalamat sa inyo. Kayo ang puso at kaluluwa ng ating lakas-paggawa, ang nagsusulong ng ating tagumpay, at ang dahilan kung bakit patuloy tayong nangangarap para sa isang mas maliwanag na bukas,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Kayo ang mukha ng Bagong Pilipinas—magagaling, masisipag, at punong-puno ng dedikasyon—kaya’t nararapat lamang na bigyan ng dangal, respeto, at paghahanga. Umasa po kayo na ang mga manggagawang Pilipino, sa loob o labas man ng bansa, ay patuloy na aalagaan ng pamahalaan,” dagdag na wika nito.
‘special mention’ para sa Pangulo ang ika-50 anibersaryo ng labor legislation na ipinalabas ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Ang Presidential Decree No. 442, o Labor Code of the Philippines, ay ipinalabas noong May 1, 1974.
Samantala, mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos ang mga manggagawang Filipino sa Malakanyang kasama ang ibang mga opisyal mula sa gobyerno at development partners sa pangunguna ng International Labour Organization (ILO).
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Pangulo sa mga ito at kinilala ang kanilang kontribusyon hindi lamang para-i-promote ang magandang relasyon sa labor sector, kundi maging sa kanilang patuloy na suporta at partisipasyon upang maging malakas ang ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)
Other News
  • Pinas ‘di titiklop sa isyu ng West Philippine Sea – Marcos

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna nang tumataas na geopolitical tension.     Sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming probokasyon, ang bansa sa pamamagitan ng AFP, ay nananatiling isang […]

  • 1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO

    TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima.     Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong […]

  • NEA: P30.5M inisyal na pinsala ng bagyo sa electric coops

    INIULAT ng National Electrification Administration ngayong Martes na umabot na sa P30.5 milyon ang inisyal na pinsala ng bagyong Rolly sa electric cooperatives sa mga apektadong lugar.   Ginawa ng NEA ang pahayag batay sa report ng kanilang Di- saster Risk Reduction Management Department.   Ayon sa ahensya, hanggang nitong Martes ng umaga, hindi pa […]