PBBM saludo, pinuri ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa paghina ng Abu Sayyaf
- Published on July 8, 2024
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa matagumpay na pagpapahina sa banta na bitbit ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kaaway ng estado sa lalawigan.
Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging kampante dahil hindi pa tapos ang misyon na ganap na wawasak sa kalaban ng gobyerno.
“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa headquarters ng 11th Infantry Division (ID) sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.
“Now, that does not mean that the mission is over. As you can imagine, mayroon pa diyan na papasok na baka gustong mag-organize ulit kaya’t kailangan pa rin nating bantayan,” ayon sa Pangulo.
Bilang Commander-in-Chief, sinabi ng Pangulo na ipinabatid sa kanya ng military command sa Sulu ang ‘very constant drop’ sa “kakayahan ng mga rebelde, manpower, at bilang ng mga armas na nasa pangangalaga ng mga ito.’
“Ang assessment na nga ay ‘yung threat is only from individual actors. Wala na silang units na gumagalaw as a unit. They are … basically (neutralized)… We have dismantled their machinery for causing, for bringing terror,” aniya pa rin.
Ipinaalam din sa Pangulo ang tungkol sa lumiliit na banta ng ibang teroristang grupo.
“We also spoke briefly about the continuing threat of outside terrorist groups coming in, ‘yung mga Al-Qaeda inspired, ‘yung mga ISIS-inspired na dating nakikita nating pumapasok dito ay mukha namang hindi na … tayo masyadong nate-threaten tungkol sa ganyang klase,” pag-uulat ng Chief Executive.
Binanggit din ng Pangulo ang paglipat ng AFP sa external defense sa gitna ang umuusbong na regional threats partikular na sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi pa niya na ginagawa na ng gobyerno ang organizational change, lalo na ang paglikha ng task force na mayroong maritime force at Navy. Layon nito na paigtingin ang presensiya ng Philippine Coast Guard at bantayan ang lugar.
“(I)to ‘yung mga gagawin natin para maging mas secure tayo lalong-lalo na dito sa area ninyo dahil I’m sure that there are many, many instances na mayroon tayong report na mga dumadaan na barko,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga tropa.
“So, we just have to keep vigilant and to continue to watch what is going on and to make sure that namo-monitor natin lahat ng nangyayari,” dagdag na wika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Jaja Santiago nag change nationality na
Hindi na paglalaruin si Jaja Santiago sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia dahil pinoproseso na niya ang kanyang Japanese citizenship, ayon kay Philippine women’s volleyball team coach Jorge Souza de Brito. “Sa tingin ko ay hindi dahil sinimulan niya ang proseso para sa pagkamamamayan ng [Japanese]. Masama para sa amin, mabuti para sa […]
-
Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’
INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off. Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN. “Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi […]
-
Niregaluhan ng isang luxe electric guitar: JULIE ANNE, nakatanggap ng early Christmas gift mula kay RAYVER
MUKHANG nakatanggap nang maagang Christmas gift si Julie Anne San Jose mula sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz. Niregaluhan ni Rayver ang isa sa coaches ng ‘The Voice Generations’ ng isang brand new Gibson electric guitar. Makikita nga sa Instagram video ang pag-unbox ni Asia’s Limitless Star sa […]