PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas
- Published on November 17, 2023
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership na naglalayong i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na cancer care sa Pilipinas.
Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr. sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng kanyang naging partisipasyon sa 2023 Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California.
“The initiative is a vital stride in the fight against cancer, and it reflects the Philippines’ growing potential as a leading healthcare destination in Asia,” ang pahayag ng Pangulo sa isinagawang paglagda sa kasunduan.
Dahil dito, ibabahagi ng mga partido ang kanilang “expertise” sa pagtatatag at pagpapatakbo ng “first dedicated specialty oncology hospital” ng Pilipinas para matiyak ang tamang paraan ng paghahatid ng serbisyo sa mga pasyente at gawin ang cancer care na mas accessible sa mga Filipino.
Sa pamamagitan ng partnership, itatatag ng AC Health ang Healthway Cancer Care Hospital sa Pilipinas, magsisilbing network ng oncology clinics sa buong Kalakhang Maynila, naglalayong bigyan ang cancer patients ng access sa komprehensibong cancer care na gumagamit ng state-of-the-art at multi-modalitycancer care technologies ng Varian.
Kabilang sa mga signatories ay sina Jaime Augusto Zobel de Ayala of the Ayala Corp., AC Health CEO at President Paolo Borromeo, Varian Philippines President and Managing Director Heinz-Michael Horst Schmermer, at Varian’s Advanced Oncology Solutions Vice President Chuck Lindley.
Ngayong 2023, ang cancer ay “third leading cause of death” sa Pilipinas, na may 141,021 bagong cancer cases at 86,337 cancer deaths kada taon.
Upang mapalakas ang cancer control efforts at bawasan ang paghihirap dahil sa sakit, “the Philippines enacted Republic Act No. 11215, o National Integrated Cancer Control Act in February 2019.”
“As of November 2023”, nakatakdang magtayo ang Department of Health (DOH) ng 16 Cancer Care Specialty Centers sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking
Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala. Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito. Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy. Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa […]
-
DepEd, tinitingnan ang pilot run ng bagong SHS curriculum para sa SY 2025-2026
TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng revised Senior High School curriculum para sa School Year 2025-2026. Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa sidelines ng Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) 13th Biennial National Convention, kung saan siya ang tumayong keynote speaker. “Ang target […]
-
Lalaking nag-trip manaksak sa Valenzuela, kalaboso
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos umanong pagtripang pagsasaksakin ang isang mister na dumaan lamang sa kanyang harapan sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na isang 32-anyos na residente ng Brgy. Bagbaguin habang ang biktima ay 40-anyos na residente naman ng Brgy. Canumay […]