• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, sinuspinde ang klase sa pampublikong eskuwelahan, trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Bulacan

SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang klase sa mga pampublikong eskuwelahan sa lahat ng antas  at trabaho sa gobyerno sa Kalakhang Maynila at sa lalawigan ng Bulacan upang bigyang daan ang opening ceremony ng  FIBA Basketball World Cup 2023 sa  Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. 

 

 

Nakasaad sa memorandum circular no. 27, tinintahan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 15, na ang suspensyon ng trabaho sa gobyerno at klase sa pampublikong eskuwelahan sa darating na Agosto 25 ay bahagi ng commitment ng gobyerno tungo sa mas malawak na paglahok at partisipasyon sa “sports promotion at development.”

 

 

Binigyang diiin din ng Punong Ehekutibo na ang suspensyon sa trabaho sa gobyerno at klase sa pampublikong paaralan ay pagsisikap naman ng pamahalaan na bigyan ng  “full support” at tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) para matiyak ang ligtas, mapayapa at matagumpay na  opening ceremony ng  FIBA Basketball World Cup 2023.

 

 

Gayunman, nilinaw ng Chief Executive na ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman o nabibilang sa “delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services “shall continue with their operations and render the necessary services.”

 

 

Samantala, ang suspensyon naman ng trabaho sa pribadong kumpanya at klase ay ipinauubaya naman na sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.  (Daris Jose)

Other News
  • Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.   Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.   Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.   Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]

  • ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA)

    ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang makukulay na mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon. Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pangunguna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, […]

  • May dalawang teleserye na dapat abangan: LEANDRO, ipinagmamalaki ang inukit sa kahoy na ‘Voltes V’

    ANG bongga naman nang inukit na Voltes V figure ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinost niya ang finish product sa kanyang Facebook na punum-puno ng detalye.     Ayon kay Leandro nasa 5’2” ang taas nasabing figure na pinagawa ng isang Voltes V collector, na humigit-kumulang ay dalawa’t kalahating buwan na […]