• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sinuspinde ang LTFRB chairman

SINUSPINDE  ni President Ferdinand R. Marcos si Land Transpotation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz dahil sa alegasyon ng korupsyon na binabato sa kanya.

 

 

 

Ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagbigay ng anunsiyo sa kanyang suspensyon. Nag-utos naman si President Marcos ng isang imbestigasyon sa nasabing alegasyon.

 

 

 

“The President does not tolerate any misconduct in his administration and has instructed the immediate investigation on this matter. He strongly condemns dishonesty and duplicity in public service,” ayon sa PCO.

 

 

 

Si Guadiz ay sinuspinde dahil sa pagsisiwalat ng mga katiwalian ng kanyang dating senior executive assistant na si Mr.  Jeffrey Tumbado sa isang press conference ang ginawa noong Lunes na pinangunahan ng grupong Manibela.

 

 

 

Ayon kay Tumbado ay kanilang pinagusapan noong nakaraang March ni Guadiz kung paano sila makakakuha ng “benefit” sa mga “lagayan scheme” sa ahensiya habang kanya rin inakusahan ang ibang ahensiya at ang Malacanang na kasama rin sa korupsyon.

 

 

 

“I do not believe that he is the only one, there is also instruction from higher ups… I believe this chairman is also a victim,” saad ni Tumbado.

 

 

 

Sinabi rin niya ang mga “under-the-table” na transaksyon na ginagawa sa LTFRB ay ang modipikasyon ng ruta, pagbibigay ng priority sa mga papales tungkol sa prangkisa at pagbibigay ng special permits. Dagdag pa niya ang bawat illegal na transaksyon ay umaabot ng P3 million ang lagayan kung saan puwedeng mayroon dalawang hulugan ang bayaran.

 

 

 

Nilinaw naman ni Tumbado na wala sa mga miyembro ng LTFRB board ang deritsahang humihingi ng pera sa mga aplikante at sa halip ay tumatangap sila sa ibang tao o ang tinatawag na fixer. Hindi naman niya pinangalanan ang mga nasabing tao.

 

 

 

Binigyan diin niya na di siya isang “bag man” subalit tumanggi siyang sabihin kung ano ang eksaktong partipasyon niya sa mga nasabing illegal na transaksyon.

 

 

 

Nang tanungin siya sa ginawang press conference kung bakit siya ay lumantad sa publiko at kung saan niya tinukoy ang mga impormasyon tungkol sa korupsyon, sinabi niya na gusto lamang niya na ituwid ang mga maling bagay at upang makatulong sa mga taong naaagrabiyado na apektado ng illegal na transaksyon.

 

 

 

Saad din niya na may pakiramdam siya na magiging “sacrificial lamb” siya kapag mas naging maiinit ang issue tungkol dito.

 

 

 

Isa sa mga ebidensya na nasa kamay niya ngayon sa mga nasabing kurupsyon maliban sa mga personal statements, ay ang mga screen shots din at audio recordings ng mga pag-uusap ng mga taong kasangkot sa mga illegal na transaksyon.

 

 

 

Maghahain naman siya ng kaso tungkol sa paglabag ng Republic Act 3019 o ang tinatawag na Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at RA 11032 o mas kilala sa Ease of Doing Business Act ngayon linggong ito.

 

 

 

Si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista naman ay nagutos na rin kay Guadiz na magpaliwanag sa mga alegasyon ng korupsyon na nangyayari sa LTFRB. LASACMAR

Other News
  • Professional Fighters League aakit ng fans sa Pinas

    Tinutumbok ang Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing merkado ng mixed martial arts promotion Professional Fighters League (PFL).   Sinabi ni PFL Senior Vice President Loren Mack na ang mabilis na lumalagong platform ay naghahanap upang maikalat ang mga pakpak nito sa Asya at sa Pilipinas sa partikular.   Nakikita ni Mack na makakalaban ng […]

  • SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal

    IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya.     May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya.     Sabi nga niya, […]

  • May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1

    TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines  (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.   Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa […]