• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM suportado ang panukalang batas na magpapalakas sa cyber security program ng gobyerno

TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.

 

 

Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad ng mabilis ang panukalang batas sa Kongreso at sa huli ay makapasa sa dalawang kapulungan.

 

 

Ang tatlong bills ay na pending sa kasalukuyan sa Senado ay Cybersecurity Act, ang Anti-Mule Act at ang Online Site Blocking Act.

 

 

Ayon sa DICT, makakatulong ang Cybersecurity Act sa cybersecurity resilience ng bansa habang sa ilalim ng Anti-Mule Act ay magiging krimen na Ang pagbubukas ng account gamit ang pekeng identity at pamimili ng gamit na Hindi naman pala siya ang tunay na nagma- may ari ng account.

 

 

Ang Online Site Blocking Bill naman ay naglalayong protektahan ang industriya ng sining at mga mamimili mula sa likas na panganib ng online content piracy. (Daris Jose)

Other News
  • Obrero na walang face mask, kulong sa P247K shabu sa Caloocan

    NABISTO ang dalang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu ng isang construction worker matapos tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Roldan Magluyan, 27 […]

  • LeBron James isa ng part-owner ng Boston Red Sox

    Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.     Nakuha niya ang shares nito sa pamamagitan ng pagbili sa Fenway Sports Groupo ang parent company ng koponan at ilang sikat na sports teams at kumpanya.     Hindi naman binanggit ng kumpanya kung magkano ang […]

  • Trudeau nanawagan sa mga truckers sa Ottawa na tigilan na ang pagsasagawa ng protesta

    NANANAWAGAN  si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tigilan na ng mga truckers ang ginagawa nilang kilos protesta.     Sinabi nito na labis siya ng nagulat at dismayado sa ibang pag-uugali ng mga protesters.     Ilan sa mga dito ay ang vandalism at racial abuse.     Dagdag pa ng Canadian Prime Minister […]