PBBM, target ang 10% ng sasakyan ng gobyerno na maging electric
- Published on May 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 10% ng government service vehicles ay maging electric powered.
‘Yes, targeting 10 percent of the fleet should be electric vehicles. Mayroon siyang pinasang inter-agency na led by the Department of Energy, and nandoon din iyong DBM (Department of Budget and Management) para maayos iyong procurement niya at para mag-comply,” ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.
”So when the President was looking into that, there was a thumbs up from DBM Secretary Amenah na it’s already in place,” aniya pa rin.
At sa tanong naman kung may timeline para sa mga government service, ang sagot ni Usec. Fuentebella, “yon nga, kasi iyong sa procurement timeline ‘no, ayaw kong makialam. I think every year kasi mayroon tayong procurement ‘no, so I just have to check on that. Sorry, hindi ko lang naano iyong timeline. Ayaw ko kasing magkamali ng bitawan ko.”
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DOE at ang lahat ng concerned agencies na bilisan ang implementasyon ng action plans at estratehiya para i-develop ang electric vehicle industry sa bansa. (Daris Jose)
-
Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!
Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]
-
Um-attend sa wedding ng sister na si Cloie sa Sweden… KC, puring-puri ng netizens at tinawag na ‘Pambansang Sister’
PURING-PURI ng mga netizens si KC Concepcion na pagiging mabait at mapagmahal sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion. Sa latest IG post niya, umattend siya ng wedding ng half-sister niya na si Cloie Syquia (anak ni Jenny Syquia) na kinasal kay Fredrik Hill na ginanap sa Stockholm, Sweden. Ibinahagi niya […]
-
Ads March 18, 2021