• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinanggap ang pagbibitiw ng 18 pulis na di umano’y sangkot sa illegal na droga

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.

 

 

Base na rin ito sa naging rekumendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.

 

 

Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr.  sa Pangulo na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y  pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities.

 

 

Sinabi nito na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation ang mga nasabing opisyal  kahit pa may nakabinbing imbestigasyon ang mga ito.

 

 

Sa 953, inirekomenda ng grupo ang  non-acceptance sa 935 courtesy resignations at  acceptance sa resignation ng mga sumusunod na 18 officers:

  1. PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
  2. PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
  3. PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
  4. PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
  5. PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
  6. PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
  7. PCOL Robin King Sarmiento O-03552
  8. PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
  9. PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
  10. PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
  11. PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
  12. PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
  13. PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
  14. PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
  15. PCOL Michael Arcillas David O-07686
  16. PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
  17. PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
  18. PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043

 

 

Ayon sa PNP Chief, patuloy na mino-monitor ang mga nasabing opisyal.

 

 

Sinabi pa nito na ang kinakailangang “orders for their relief from their present positions will be immediately issued and the (resigned) officers will be assigned to the Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) to preclude them from exerting further influence and/or performing illegal activities using their positions.”

 

 

Sa simula pa lamang ng kanyang administrasyon, nangako na ang Pangulo na  “to clean up the ranks of the PNP, saying that the drug problem would not exist without the involvement of police officials.”

 

 

Samantala, sa SONA pa rin ng Pangulo, sinabi nito na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may “unquestionable integrity” para pangunahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Lalagyan aniya ng kanyang administrasyon ng bagong mukha ang nasabing kampanya.

 

 

“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang pamahalaan ay “will relentlessly continue our fight against drug syndicates, shutting down their illegal activities. We will shut down their activities and dismantle their network of operations.” (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 9, 2023

  • WINWYN, masayang inamin na totoong buntis dahil hirap nang mag-lie; identity ng non-showbiz bf secret pa

    AFTER umugong ang tsismis na buntis ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez, ang kanyang pag-amin ang inaabangan ng press.     Nangyari ang pag-amin sa presscon ng kanyang launching film.     “I am pregnant… Ang hirap din namang itago. I am actually in my second trimester. Medyo kabado kasi medyo hindi ako lumalabas […]

  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]