PBBM, tinipon ang ‘functional’ gov’t sa kanyang first 100 days
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.
“I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has a very, very good idea of what we are targeting in terms of strict economic targets for example, in terms of the numbers of growth, the numbers of our different measures, the different metrics that we are using for the economy,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang press conference sa idinaos na President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City, araw ng Miyerkules.
Labis namang nagpapasalamat si Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete partikular na sa kanyang economic managers, para sa kanilang pagsisikap na isaayos ang mga plano na “transform” ang post-pandemic economy.
Bilang Pangulo, inamin nito na “concerned” siya hinggil sa “only doing the bare minimum, but instead managed to “galvanize” the government by reminding them of the urgency of working for the betterment of the nation and country.”
“I think all of those at least in the higher positions in government and even slowly it’s filtering down to the rank and file are beginning to feel that there is a point to government, there is something that we need to be doing,” aniya pa rin.
Sinabi ni Pangulong Marcos, ang kanyang unang 50 hanggang 100 araw sa gobyerno nay nakatuon sa “putting out fires”.
Tinukoy ang iba’t ibang problema sa agriculture sector gaya ng asukal at fertilizer supply.
Sa ngayon, prayoridad ng administrasyong Marcos na siguraduhin ang food sufficiency at post-pandemic growth.
Sa kamakailan lamang na state visit ng Pangulo sa Indonesia at Singapore, pinromote ng administrasyong Marcos ang agricultural cooperation at hinikayat ang trade investment sa key sectors.
Aniya, patuloy naman siyang nagbibigay ng production inputs sa mga magsasaka at mangingisda gaya ng high-quality seeds at fertilizers, at maging ang post-harvest machinery and facilities, kabilang na ang trucks, dryers, at mills, na makatutulong sa kanilang productivity.
Hinggil naman sa usapin ng engagements, sinabi ni Pangulong Marcos ang “renewing and forging contracts” sa mga bansang nabisita na niya sa kanyang first 100 days ng kanyang pagiging Pangulo.
“The nice thing is the Philippines has many friends around the world and these contracts and friendships we have been able to renew,” aniya pa rin.
Ipinagmalaki naman ng Pangulo na ipinakita niya sa buong mundo na ang Pilipinas ay “standing on its own two feet” sa kanyang debut sa international stage — ang kanyang naging pagdalo sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA) in New York.
“We have been able to show that the Philippines is standing on its feet, the Philippines continues to have its aspirations and its dreams, and we are willing to do our part in making those dreams come true…Partnerships once again are going to be important and we invite you to join us,” aniya.
Inilarawan niya ang kamakailan lamang niyang engagements sa ibang bansa bilang “coming out party” para sa Pilipinas.
“This is the coming out party for the Philippines and we are able to explain what the Philippines is now, this is what the Philippines looks after two and a half years of crisis, this is what the Philippines is doing, and this is how we can help each other because not any one country is going to manage this transformation by themselves and we would need each other’s help,” wika pa nito.
Nakatakda namang opisyal na magmarka ang first 100 days ng administrasyong Marcos kahapon Oktubre 9. (Daris Jose)
-
Ads June 4, 2024
-
Bagong batas, nagdedeklara sa smuggling, hoarding ng agricultural products bilang economic sabotage-DA
TINANGGAP ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang pagtinta sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang batas na magpapataw ng mas mahigpit na parusa laban sa mga ‘smugglers at hoarders’ ng agricultural food products kabilang na ang mga cartel. “This new law that penalizes violators with higher fines and long jail terms, […]
-
Mga abusadong ina sa anak, pwedeng kasuhan ng ama – SC
PINAPAYAGAN na ng Supreme Court na magsampa ng reklamo ang mga ama bilang kinatawan ng kanilang anak laban sa mga abusadong ina. Sa 18-pahinang desisyon na pirmado ni Justice Mario Lopez nitong July 12, 2022 na nalathala nitong Pebrero 6, 2023, maaring sampahan ng mga ama ang ina ng kanilang anak ng paglabag […]