PBBM tiniyak na papanagutin ang nasa likod na tumulong kay Guo na makalabas ng bansa… LET ME BE CLEAR: “HEADS WILL ROLL”
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ulong gugulong sa pagtulong para makalabas sa bansa ang pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sinabi nito na ang insidente ay nagpapakita ng kurapsyon sa justice system na siyang magpapahina ng tiwala ng publiko.
Giit pa ng Pangulo na kanyang isasapubliko ang sinumang indibidwal na nasa likod ng pagpapalabas sa bansa kay Guo.
Dagdag pa ng Pangulo na umuusad na ang imbestigasyon ang sinumang napatunayan na nasa likod ng insidente ay kaniyang papanagutin sa batas.
Walang puwang aniya sa gobyerno ang sinumang opisyal na inuuna ang personal na interest kaysa pagsilbi sa publiko.
Narito ang pahayag ng Pangulo:
“The departure of 𝗔𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗚𝘂𝗼 has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust. 𝗟𝗘𝗧 𝗠𝗘 𝗕𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥: 𝗛𝗲𝗮𝗱𝘀 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗿𝗼𝗹𝗹. We will 𝗲𝘅𝗽𝗼𝘀𝗲 the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law. There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice.”
Reaksyon ito ng Pangulo sa napabalitang umalis na sa bansa si Guo kahit na may kinakaharap itong kaso na nauugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation. (Daris Jose)
-
Yulo humirit ng ginto sa World Cup
NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar. Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars. Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’ Pinataob ni […]
-
Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na
MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit. Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula […]
-
Puring-puri ng netizens ang pagiging mother-in-law: SYLVIA, nag-uumapaw ang saya sa engagement nina ZANJOE at RIA
NAG-POST na rin sa kanyang Instagram account ang premyadong aktres at Face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez, tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend na si Zanjoe Marudo na kanilang in-announce last February 20. Nagpahayag nga si Sylvia nang labis na kaligayahan para sa kanyang anak. […]