• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tiniyak sa AFP ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan, morale ng militar

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan at morale ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya.
“And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our uniformed officials and personnel, and of course  including your respective families,” ayon kay Pangulong Marcos sa commencement exercises ng 278-strong graduating cadets ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 sa PMA Borromeo Field, Fort Gregorio del Pilar, Loakan sa Baguio City.
Ang “Bagong Sinag” ay kumakatawan sa “Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang Aming Gabay” na mayroong 278 mula sa 350 orihinal na kadete na nagtapos ng kurso at ipinagkalooban ng “degree” sa Bachelor of Science in National Security Management (BSNSM).
Sa nasabing bilang, 224 ay mga lalaki habang 54 naman ang mga babae. Pitong kadete ang nagtapos mula sa Foreign Service Academies.
Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mga PMA instructors para sa kanilang hard work o pagsusumikap na makapagbigay ng “responsive military education” at tiyakin na ang mga kadete ay may kakayahan na maging karapat-dapat na ‘torchbearers’ ng kalayaan.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa AFP na ang kanyang liderato kasama ang Bagong Sinag, ay hawak-kamay tungo sa pinapangarap na “Bagong Pilipinas” na mapayapa at progresibo.
Ang PMA ay itinatag noong October 25, 1898 sa bisa ng isang decree na ipinalabas ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo at pormal na nilikha noong Disyembre 21, 1935. (Daris Jose)
Other News
  • Sold out na ang SVIP tickets at marami pang naghahanap: JUAN KARLOS, matagal bago na-convince ni SYLVIA na mag-first major concert

    ISANG dekada na pala sa showbiz industry si Juan Karlos Labajo.   At bilang selebrasyon sa kanyang 10th anniversary, magkakaroon siya ng very first major concert, ang “juan karlos LIVE,” na gaganapin sa November 29 sa SM Mall of Asia Arena.   Produce ito ng Nathan Studios Inc. na pag-aari ng pamilya ni Sylvia Sanchez. […]

  • Melvin Jerusalem kontra Oscar Collazo konti kembot na lang

    Maagang madedepensahan ni World Boxing Organization mini-flyweight champion Melvin Jerusalem ang kanyang titulo kapag naplantsa ang pakikipag-umbagan kay 2019 Pan American Games gold medalist at undefeated Puerto Rican Oscar Collazo.   Inatasan ng WBO World Championship Committee ang dalawang boksingero para sa mandatory bout. Binigyan ang dalawang kampo ng hanggang Pebrero 14 upang magkasundo at […]

  • BICC, pinalabas na ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na sa Bulacan Infection Control Center ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID kahapon.     Nagsagawa si Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga duktor, nars, at kawani ng pangunahing pasilidad na pang-COVID […]