• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinukoy ang ‘indispensable role’ ng mga guro

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘indispensable role’ ng mga guro.

 

Sa pagdiriwang kamakailan ng National Teachers’ Day, nanawagan ang Pangulo sa publiko na suportahan ang pagsusulong ng ‘inclusive education.’

 

“Our teachers lie at the heart of our educational system standing as the second parents of our children and molding them into future leaders, changemakers, and nation builders. They play an indispensable role in preserving our country’s democratic values and way of life not only as stewards during elections but also as influencers of the younger generations,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos.

 

“As we celebrate the National Teachers’ Day, we acknowledge our educators all around the world for imparting the values of excellence and hard work among our students and nurturing them to become the best versions of themselves,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang mga guro “for the sacrifices they make through the policies and reforms implemented in the education sector” at binanggit ang mga paraan ng pamahalaan para purihin ang kanilang serbisyo.

 

Sa katunayan, sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, ang mga public school teachers ay makakukuha ng karagdagang ‘teaching allowance, personal accident insurance at special hardship allowances.’

 

“There are also initiatives being pursued which are aimed to enhance teachers’ skills through professional development and career advancement opportunities so they can be at par with their counterparts abroad,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na tumulong sa pagsusulong ng inclusive education.

 

“As we face the pressing challenges of our time, I ask everyone to channel our efforts towards advancing inclusive education that facilitates success for all learners and ushers in a better and brighter Bagong Pilipinas for us all,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy

    UMAASA ang  top diplomat ng Pilipinas sa  China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga  Filipino customer service providers.     Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na […]

  • BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.     Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro […]

  • NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

    Tinukoy ang accomplishment report ng  Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang  working visit sa  Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon  sa ASEAN Summit sa Cambodia at  APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively […]