PBBM, tinukoy ang Maharlika fund ng Pinas sa Singapore investment pitch
- Published on September 15, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang business executives sa Singapore na i-explore ang Pilipinas bilang investment hub, tinukoy ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Binanggit ng Pangulo ang MIF sa kanyang naging talumpati sa 10th Asia Summit kung saan nagsilbing host ang Milken Institute sa Singapore.
Buwan ng Hulyo nang tintahan ni Pangulong Marcos at naging ganap na batas ang MIF kung saan gagamitin ang mga state assets para sa investment ventures para makalikha ng karagdagang public funds.
“We have also recently launched our own sovereign wealth fund, the Maharlika Investment Fund. The fund is designed to consolidate investible funds from government financial institutions to further drive economic development through strategic investments both domestically and overseas,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Given the strong fundamentals of our economy, I invite you to explore the Philippines as a destination for investment. Moreover, the Philippines’ strategic location within Asia, coupled with our membership in regional trade agreements, positions us as a gateway to countless possibilities,” dagdag na wika nito.
Aniya pa, sa larangan ng investment, nag-aalok ang Pilipinas ng ‘myriad of opportunities’ sa iba’t ibang sector, mula ‘digital at renewable energy’ tungo sa ‘manufacturing at turismo.’
“We are a nation on the rise ready to collaborate with partners who see the potential that we hold in the Philippines,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.
Sa isinagawang open forum, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na mag-invest o mamuhunan habang ang gobyerno ay nagsisimula ng mag-alala ukol sa “borrowings.”
“So we need to invest more and where can we get funding to invest more without increasing our borrowings. And so we look into internally and so what are the reserves that we have that are not, in our view, were not being used,” aniya pa rin.
Tiniyak ng Chief Executive na walang politiko ang masasama o mauugnay sa MIF, sabay sabing, mabibigo ang MIF kapag sumawsaw ang mga politiko sa pangangasiwa nito.
“If the politicians get involved, then the decisions are no longer purely financial in nature… that causes failure I think and that doesn’t make an efficient management of a fund,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
“These will go into infrastructure, power development. Again those main elements are healthcare, all of the areas that we have identified as priorities,” aniya pa rin.
Habang nililigawan ng Pangulo ang mga investors, sinabi nito (Pangulong Marcos) na nagpakita ang Pilipinas ng
“remarkable resilience.”
“We have sustained consistent GDP growth, bolstered by prudent fiscal management and monetary policy. Despite high inflation and global market instability, our economy grew by 7.6% in 2022, the fastest rate of growth recorded by our country since 1976, coincidently, in the time of my father,” ang winika ng Pangulo.
“Economic expansion is expected to continue this year with global institutions such as the World Bank and the IMF projecting the Philippines to grow around 6% in 2023,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “the Philippines’ strategic location within Asia, coupled with our membership in regional trade agreements, “positions us as a gateway to countless possibilities.”
Samantala, sa talumpati pa rin ng Pangulo, binigyang diin nito ang dedikasyon ng Pilipinas na makamit ang mapayapang relasyon, sabay sabing “geopolitical stability is among the cornerstones of its foreign policy.”
“We also note that geopolitical stability and regional cooperation are cornerstones of our foreign policy. We are dedicated to peaceful relations and cooperation that foster a conducive investment and business climate,” anito.
“The Philippines has faced its share of challenges as with any country. But we emerge from them stronger and more resolute. Our nation’s resilience and ability to adapt are not just stories, they are lessons that we bring to the table, lessons that we share with partners who are invested in our shared future,” aniya pa rin.
Nabanggit naman ng Pangulo ang “volatile geopolitics situation” lalo na sa Asia Pacific region. (Daris Jose)
-
Naging close sa shoot ng ‘Running Man PH’: KOKOY, nagparamdam na balak na talagang ligawan si ANGEL
NAGPAKILIG ng kanilang mga tagahanga ang ‘Running Man Philippines’ stars na sina Kokoy De Santos at Angel Guardian sa ‘The Boobay at Tekla Show’ noong nakaraang Linggo. May usap-usap nga na nagpaparamdam na ng kanyang balak na ligawan ni Kokoy si Angel dahil naging very close sila noong mag-shoot sila ng ‘Running Man’ […]
-
Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN
BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok. Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis. Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa […]
-
Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado. Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the […]