PBBM, tinuldukan na ang appointment ni Morales bilang PSC chief
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
TINULDUKAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment ni Presidential Security Command (PSC) Commander Maj. Gen. Jesus Nelson Morales.
Sa katunayan, kinumpirma ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pagtatapos ng pagkakatalaga kay Morales bilang pinuno ng PSC.
Ani Castro, papalitan ni Brig. Gen. Peter Burgonio si Morales, nagsilbi bilang acting PSC commander sa kaparehong araw ng pagtatapos ng appointment ni Morales.
Si Morales sa kabilang dako ay nagsilbi naman bilang pinuno ng PSC noong 2023.
Taong 2023, itinalaga ni Pangulong Marcos si Burgonio bilang commander ng Intelligence Regiment ng of the Philippine Army (PA).
Ang PSC, dating kilala bilang Presidential Security Group (PSG) ay isang unit sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mandato na magbigay ng protection escort para sa Pangulo, Pangalawang-Pangulo at sa kani-kanilang immediate families, bukod pa sa nagsisilbi bilang honor guard duties para sa mga bumibisitang dignitaryo.
Ang PSC ay naka- stationed sa Palasyo ng Malakanyang sa Lungsod ng Maynila, official residence ng Pangulo.
Sinasamahan din ng mga miyembro ng PSC ang Pangulo sa mga panahon ng domestic at overseas trips. (Daris Jose)
-
Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño
IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan. Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]
-
Ads June 21, 2024
-
Liderato ng Kamara, kinondena ang ginawang pagsuway ni VP Sara Duterte
KINONDENA ng liderato ng Kamara ang ginawang pagsuway ni Vice President Sara Duterte sa rules ng kongreso sa ginawa nitong pananatili ng magdamag para samahan ang kanyang chief-of-staff. Nagpahayag din ng pagka- alarma sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Dalipe at Deputy Speaker David Suarez sa pagtanggi ni […]