• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinurn over ang Balanga housing units sa 216 relocated families

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turn over ng housing units sa 216 informal settler families sa Balanga, Bataan na naapektuhan ng cleanup at relocation operations sa hazard-prone areas.
Ang relocated settlers ay nakatira noon sa kahabaan ng Talisay River.
Ang Balanga City Low-Rise Housing Project ng National Housing Authority (NHA), matatagpuan sa Barangay Tenejero, tampok ang anim na condominium-style buildings.
Ang bawat unit, may sukat na 27 square meters, ay mayroong  dalawang bedrooms, isang kitchen, toilet, bath, at fully operational water at power supplies.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang proyekto ay bahagi ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program ng gobyerno, naglalayon na tugunan ang anim na milyong housing backlog sa 2028.
“Sa loob ng maraming taon, humarap kayo sa peligrong dala ng pagtira sa tabi ng ilog. Kaya narito tayo upang bigyan ng lunas ang kanilang suliranin,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“Kayo ngayon ay maninirahan sa sariling bahay na ligtas, de-kalidad, at komportable. Ngayon pa lamang po ay binabati ko na ang ating mga benepisyaryo ng congratulation sa pagsisimula ng panibagong yugto ng inyong buhay,” dagdag na wika nito.
Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na nananatiling committed ang gobyerno na magtayo ng mas ligtas, de kalidad at komportableng housing units.
Samantala, plano naman ng NHA na magtayo ng basic facilities sa housing community, gaya ng four-story school building na may 20 silid-aralan, isang multi-purpose building, at isang covered basketball court.
May isang community center building ang naitayo na rin sa loob ng housing project upang matiyak na ang mga benepisaryo ay magkakaroon ng ‘access’ sa mga pangunahing bilihin, educational facilities at iba pang pangangailangan ng komunidad.
Mayroon itong health center, daycare center, barangay learning hub, mga tanggapan ng homeowners’ association at local government unit housing satellite office. (Daris Jose)
Other News
  • GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA

    HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann?     Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya.     Hindi ba niya alam ang restrained […]

  • Ads September 1, 2022

  • Publiko walang dapat ikabahala sa financial system ng mga bangko sa PH – BAP

    Tiniyak din ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga bangko dahil matibay umano ang financial system sa bansa.   Ginawa ng mga grupo ng mga bangko ang pahayag kasunod nang nabulgar na pamemeke ng ilang junior officer kung saan nakaladkad ang BDO Unibank at Bank of the […]