• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, titintahan ang 3 kasunduan sa kanyang pagbisita sa Australia

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong kasunduan na naglalayong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Australia ang nakatakdang tintahan sa kanyang pagbisita sa Australian capital Canberra.

 

 

“I anticipate an enhancement of the mutual understanding between the Philippines and Australia as we share a common vision not just for our bilateral relations, but for the peace and security of the region as well,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pre-departure speech na inihayag sa Villamor Air Base in Pasay City.

 

 

“I will also have the opportunity to expand our wide-ranging cooperation with Australia through the formalization and signing of three agreements,” dagdag na pahayag ng Pangulo, gayunman, hindi naman dinetalye ng Pangulo ang kasunduan na nakatakdang lagdaan.

 

 

Ang Pangulo ay papunta na ngayon sa Canberra bilang “guest of government” dahil na rin sa imbitasyon ni Australian Governor-General David Hurley.

 

 

      Nakatakda ring magsalita ang Pangulo sa Australian Parliament para talakayin ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos na ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia “provides greater energy and optimism for closer cooperation that is mutually beneficial to both Filipinos and Australians”.

 

 

“Our engagement in the Parliament will also feature conversations with Australia’s legislative leadership who are vital partners in ensuring a favorable and enabling policy to our relations to continue its upward trajectory,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang “improved defense and security tie” ng dalawang bansa, tinukoy ang tagumpay ng Exercise Alon at Maritime Cooperative Activity noong nakaraang taon.

 

 

Binigyang diin din niya ang pangangailangan na talakayin ang pagpapalwak sa kolaborasyon o pakikipagtulungan sa Australia sa kalakalan at pamumuhunan sa mga darating na taon.

 

 

“After all, economic security is a vital component of national security,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “I hope to bring home with me a more robust, warmer, and closer Philippine-Australian relations.”

 

 

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na inaasahan na magdaraos ng hiwalay na pakikipagpulong ang Pangulo sa mga Australian senior officials upang magkaroon ng “constructive discussions on defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues,”

 

 

Nakatakdang ipagdiwang ng Pilipinas at Australia ang ika- 78 taong anibersaryo ng diplomatic relations sa Nobyembre ngayong taon.

 

 

Ang Australia ang itinuturing na “Philippines’ second largest partner in defense and security” at isa sa dalawang bilateral partners na may status ng Visiting Forces Agreement, maliban sa Estados Unidos.

 

 

“As of 2022”, tinatayang 408,000 Filipino at Australians na may Filipinong angkan ang itinuturing at tinatawag na kanilang tahanan ang Australia, dahilan para maging fifth-largest migrant community ito sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • FILIPINA NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, PINIGIL SA NAIA

    NASABAT ng Bureau of Immigration ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.     Ayon sa babaeng di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar may tatlong buwan na ang nakakaraan.     Una nitong sinabi na biyaheng Hongkong siya […]

  • Toll rates sa NLEX, Cavitex tumaas

    SINIMULAN kahapon ng pamunuan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at NLEX Corp na siyang mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ang pagtataas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex).       Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition […]

  • Kompetisyon ni Yulo ‘di na tuloy dahil sa COVID

    NABULILYASO ang inaasam na international exposure ni Tokyo Olympics-bound at Team Philippines gold medal holpeful, world GYMNASTICS men’s floor exercise champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo nang ihayag ng International Gymnastics Federation (FIG) ang kanselasyon ng four-leg 2021 Artistic Gymnastics All-Around World Cup Series.     “It is with regret that the FIG announces the cancellation […]