• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM: Trabaho sa lahat ng Pinoy, pangarap ko

PANGARAP umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga Filipino para hindi na sila mapilitang mag-abroad para lamang makapaghanapbuhay.

 

 

Sa pagharap ni PBBM sa Filipino Community sa Brussels, Belgium sinabi nito na kaya nagsisikap ang kanyang administrasyon na manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para mas maraming trabaho ang maibigay sa mga Filipino.

 

 

Kaya sana ay dumating na umano ang nasabing panahon dahil pangarap niya na wala ng kailangan umalis ng Pilipinas dahil walang mahanap na trabaho sa Pilipinas.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na maabot ang nasabing pangarap at kung mangingibang bansa ay dahil may mas magandang oportunidad at hindi dahil napipilitan na lamang.

 

 

Subalit nasa mga tao pa rin umano ang pagpapasya kung ano ang pipiliin para na rin sa kanilang professional growth at pag-unlad.

 

 

Dahil dito kaya nabuo ng kaniyang administrasyon ang 8-point program na layuning palakasin ang ekonomiya at gumawa ng maraming trabaho na angkop sa pandaigdigang labor standards.

 

 

Iginiit pa ni Marcos na ang kailangan lamang ay magkaisa ang sambayanan at suportahan ang mga ginagawa ng administrasyon upang makamit ang pa­ngarap para sa mga Pilipino. (Daris Jose)

Other News
  • BBM pamumunuan ang Department of Agriculture

    PAMUMUNUAN ni Presi­dent-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.     Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30.     Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin […]

  • DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” REVEALS TEASER POSTER

    FRESH from CCXP 2022 in Brazil, check out the teaser poster for the upcoming DC superhero film “Blue Beetle” – in cinemas across the Philippines August 16, 2023.     The first Latinx-led superhero film from a major studio, “Blue Beetle” follows Jamie Reyes, a teenager who is gifted superhuman strength, speed, and armor when […]

  • Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

    ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.     Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite […]