PBBM, tumungo ng Cambodia para dumalo sa 41st ASEAN Summit
- Published on November 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTUNGO sa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits na kung saan ay inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad.
Kabilang dito ang food security, energy security, digital transformation, digital economy at Ang may kinalaman sa climate change.
Inaasahang sa related summits na marerepaso ang mga kasalukuyan at bagong areas of cooperation at palitan ng pananaw sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partners nito.
Samantala, bukod sa pagdalo sa summits mula Nobyembre 10 hanggang 13 ay makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Cambodia. (Daris Jose)
-
4 drug suspects kalaboso sa P190K droga sa Caloocan
HALOS P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhah ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Brgy. 175 dakong […]
-
Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context
WALANG binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage. Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian. Ipinaliwanag ni Msgr. […]
-
Single but ‘out of the market’: GAZINI, open nang pag-usapan ang relasyon nila ni GAB
OPEN na si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados na pag-usapan ang relationship nito with actor Gab Lagman. Nagsimula ang usap-usapan na may relasyon sila ni Gab sa wedding ng beauty queen na si Samantha Bernardo kay Scott Moore in Cebu. Pero ayon kay Gazini, single but […]