• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.

 

 

Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang 10-year roadmap na magsisilbi bilang national guide tungo sa ‘greater employment generation and recovery.’

 

 

“In line with our priorities, and the outcomes that we desire, and strategies stated in the Philippine Development Plan, the Philippine Labor and Employment Plan, the Strategic Investment Priority Plan, and the Workforce Development Plan, the TPB Plan will be one of the driving forces to help create at least three million new jobs by the year 2028,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na maliban sa makalilikha ng trabaho, target din ng pamahalaan na makalikha ng “quality jobs, with special emphasis on ensuring workers’ welfare, empowerment, competitiveness, and security in all sectors of our labor sector.”

 

 

Iyon aniya ang dahilan kung bakit ayon sa Pangulo ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang ‘job-skills mismatch, underemployment, at unemployment’ sa pamamagitan ng reporma sa basic education curriculum, pagtatakda ng TVET o Technical and Vocational Education and Training sa Senior High School curriculum, at implementasyon ng ’employment facilitation initiatives.’

 

 

“Most of the labor statistics improved from April 2023 to 2024”, ayon sa Labor Force Survey ‘as of June 6′ ngayong taon, kung saan bahagyang tumaas ang employment rate mula 95.50% ay naging 96% at tumaas din ang ’employed individuals’ mula 48.06 milyon ay naging 48.46 milyon.

 

 

Bumaba naman ang unemployment rate ng bansa mula 4.5% ay naging 4%.

 

 

Gayunman, makikita sa Labor Force Survey na tumaas ang underemployed individuals mula 12.90% ay naging 14.60% habang ang labor force participation rate ay tumaas mula 64.10% at naging 65.10%.

 

 

Samantala, base naman sa Philippine Labor Market, ang service sector ay nakakuha ng 61.40% ng labor industry, sinundan ng agricultural sector na 20.30% habang ang natitirang 18.30% ay napunta sa industry sector. (Daris Jose)

Other News
  • Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo

    NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.     Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng […]

  • Kahit business course ang gustong kunin: JILLIAN, dumating na sa puntong papasukin ang medical field

    NAKATUTUWA dahil makalipas ang labing-tatlong taon ay muling nagkita sina Jillian Ward at Jessica Soho.   Limang taon lamang si Jillian at bida sa ‘Trudis Liit’ nang nakapanayam ni Ms. Jessica ang noo’y child wonder.   Ngayon, at eighteen at bida sa top-rating na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ng GMA ay muling nainterbyu ni Ms. Soho […]

  • Renowned violinist John Lesaca Stands Against the Big C During the 1st Cervical Cancer Elimination Summit

    John Lesaca, a well-known and celebrated violinist and musician, has captivated audiences for decades with his innovative approach to classical and contemporary music. His profound impact on the Philippine music scene, marked by technical proficiency and expressive playing, has earned him widespread acclaim and numerous prestigious awards, including the Aliw Award for Best Instrumentalist and […]