• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Unang Ginang Liza Marcos pinangunahan ang inagurasyon ng “showcase area” ng Pasig River urban development project sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya sa showcase area ng Pasig River urban development project sa Maynila.

 

 

Sakop ng showcase area ang mahigit sa 500 metro, sa likod ng Manila Central Post Office building, ay bahagi ng “initial phase” ng komprehensibo, multi-agency urban renewal project sa pangunguna ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), kung saan ang tumatayong chairman ay si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Azucar.

 

 

Binansagan bilang “Pasig Bigyan Buhay Muli” (PBBM), ang proyekto ay naglalayong i-transform ang Pasig River sa isang sentro ng economic activity, tourism at i- promote ang transportation connectivity sa Kalakhang Maynila at kalapit na lalawigan.

 

 

Ang newly-constructed showcase area ay magsisilbing public park na binubuo ng pedestrian-friendly walkway sa isang konkretong platform na may water fountain na bibigyang-buhay ng pailaw at sitting areas na magsisilbi bilang open-air venue para sa mga event.

 

 

“Patunay po ito na kapag nagsama-sama ang lahat ay walang imposible. Sa pagkakaisa ng gobyerno at pribadong sector ay nabuo ang napakagandang parke na ito na sumisimbolo sa bagong pag-asa,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Asahan po ninyo na ako, kasama ang First Lady, ay makakasama ninyo hanggang sa mabuo ang proyektong ito na isa na namang malaking hakbang patungo sa Bagong Pilipinas,” dagdag na wika nito.

 

 

Matatandaang noong Hulyo 25, 2023, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Executive Order 35, nagbibigay mandato sa “rehabilitation of the Pasig River to its historically pristine condition conducive to transport, recreation and tourism.”

 

 

Kaagad namang bumuo ang IAC-PRUD ng master plan para sa rehabilitation project at pagkatapos ay inaprubahan.

 

 

Ang Unang Ginang ang unang nagbigay ng kanyang buong commitment sa proyekto.

 

 

Ang recreational at wellness amenities gaya ng public parks at ang daan sa pagdya-jogging at pagba-bike ay itatayo sa key areas sa kahabaan ng 26-kilometer stretch ng ilog na bumabagtas sa 11 lungsod sa metropolis.

 

 

Bilang tugon sa panawagan ng EO 35 na “improve the quality of life along the banks of the river and its surrounding communities,” kabilang sa master plan ng IAC-PRUD ay ang relokasyon ng informal settler families (ISFs) na kasalukuyang nakatira sa kahabaan ng river banks.

 

 

Ang relokasyon ng ISFs ay isasagawa bilang bahagi ng flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program na ipinatupad ng DSHUD.

 

 

“The showcase area behind Manila Central Post Office is highlighted by a transition bridge under the Jones Bridge that will ensure seamless connectivity from Manila Bay’s north harbor to Laguna de Bay,” ayon sa ulat.

 

 

“The government envisions Pasig River to play a significant role in economic development activities in the metropolis just like waterways in other major cities in the world, like the Thames River in London, the Chao Phraya in Bangkok and the Seine River in Paris,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

“We already have the all-out support of the President and the First Lady. With the dedication of the inter-agency council and financial help from donors in the private sector, we hope to transform the First Couple’s vision into reality, restore the beauty of the Pasig River and transform it into a prominent landmark for tourism and economic activity,” ang pahayag naman ni Azucar. (Daris Jose)

Other News
  • Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE

    MULING  binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.     Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa […]

  • July 8, 2024 Araw ng pagtatapos

    PERSONAL na dumalo si Mayor John Rey Tiangco sa araw ng pagtatapos ng mahigit 347 skilled workers sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute, bilang ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Sa kanyang mensahe, binati at ibinahagi ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos ang mga sikreto ng tagumpay. (Richard Mesa)

  • Pasahe sa barko, gawing abot-kaya

    KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang  Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe.     Sa Laging Handa public briefing,  tinuran  ni  DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang […]