PBBM wala pang desisyon sa pardon kay Veloso
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI pa tiyak kung bibigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos ng pardon ang Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso.
Ayon sa Malacañang, masyado pang maaga para pag-usapan ang pagbibigay ng pardon ng Pangulo.
Inaasahang maiuuwi na si Veloso sa bansa anumang oras ngayon matapos pumayag ang Indonesia na sa Pilipinas na lamang siya ikulong.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi pa masabi kung ano ang mangyayari pagdating ni Veloso dahil ang prayoridad ngayon ay mapauwi ito ng walang anomang aberya o pagkaantala.
“Nothing to say yet on what may happen. The priority of PBBM is to have Veloso repatriated without delay,” ani Bersamin.
Matatandaan na sumulat na ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Marcos Jr. noong nakalipas na linggo at hiniling na mabigyan ito ng executive clemency.
Umaasa rin ang pamilya Veloso na mapagbibigyan ang kahilingan nila para makapiling na nila ito ng tuluyan.
Maging sa House of Representatives ay may isinusulong na resolusyon nanglalayong hikayatin ang Pangulo na bigyan ng Presidential Pardon si Veloso. (Daris Jose)
-
Ads November 24, 2022
-
Pfizer COVID-19 vaccine ligtas ng gamitin sa mga batang edad 5-11
Inanunsiyo ng Pfizer na ligtas na gamitin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga edad 5 hangang 11. Ito ay base aniya sa isinagawang medical trial ng kumpanya. Ang trial ay kinabibilangan ng 2,268 na mga may edad 5-11 na gumamit ng dalawang dose regimen ng bakuna na itinurok na may 21 […]
-
Nicolas Cage Is Radioactive In New Prisoners Of The Ghostland Trailer
IN the new trailer for the upcoming action thriller, Prisoners of the Ghostland, Nicolas Cage wears a leather samurai outfit and appears to survive a nuclear explosion. Co-starring Sofia Boutella (Atomic Blonde), Nick Cassavetes (Face/Off), and Bill Moseley (Halloween 2007), the film follows a notorious criminal (Cage) who is tasked with tracking down and rescuing Bernice (Boutella), the abducted […]