• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, walang balak palawigin ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV)

WALANG plano  si  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV) operators matapos ang kanilang naging pulong kasama ang mga transport offiicials  para sa jeepney modernization program na nakatakda sa Disyembre 31, 2023.

 

 

“Today (Tuesday), we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles (PUV) operators will not be extended,”ayon kay  Pangulong Marcos sa isang pahayag.

 

 

Ani Pangulong Marcos, sa kasalukuyan 70 porsyento ng lahat ng mga operator sa bansa ang nangako na makikiisa sa consolidation ng mga prangkisa para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

 

 

Ang mga naturang pagkaantala aniya ay nakakaapekto sa karamihan ng mga operator ng PUV, mga bangko, financial institutions at sa publiko.

 

 

“We cannot let the minority cause further delays, affecting majority of our operators, banks, financial institutions, and the public at large,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved,” aniya pa rin.

 

 

Muling maglulunsad ng tigil-pasada ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) bukas araw ng Huwebes at Biyernes upang tutulan ang PUV consolidation.  (Daris Jose)

Other News
  • SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara

    Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.     Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates. […]

  • A Weekend of Celebration: 10 Years of Greenfield District’s Weekend Market

    The vibrant community brought out the thrill and festivities at the 10th-anniversary celebration of the Greenfield Weekend Market on May 25, 2024. The grand celebration was jam-packed with astonishing performances, exciting games, raffle prizes, and, of course, its staple artisan food, live art, and live music.         Launched in March 2014, the […]

  • Knott itinakbo ang silver sa Littlefield Texas Relays

    KUMAKASANG pumangalawa para masakote ang silver medal sa 93rd Clyde Littlefield Texas Relays 2021 women’s 100-meter dash nitong Marso 25-28 sa Mike A. Myers Track & Soccer Stadium ng University of Texas sa Austin sa USA si 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan hopeful Kristina marie Knott .     Nagtala ng 11.54 segundo […]